* Tash's Pov *
Isang araw nalang at malapit na ang Event super busy nang araw ko ngayon Este lahat nang mga kaklase ko Kami kasi ang section na mag dedesign nang buong campus as in buong campus at iisang section lang? Grabe ano? Akala naman nila na Keri keri namin Yung pinag gawa nila Kaya ngayon no classes Pero kaming section lang,Pero okay lang ito narin daw ang magiging project namin this 1st grading, yung iba naman wala ding pasok dahil sa mag p-perform sila, ngayong araw na ito nag hahati Hati na kami as group mayroon kaming anim na grupo na bumubuo nang sampong tao yung iba naman twelve at eleven pero kami sampu lang
Ang bahagi kung saan kami mag dedekorasyon ay nasa bandang kanan malawak kasi ang lugar kung saan gaganapin ang Royal Ball daw kuno nasa likuran siya nang building namin Ewan luma na ata toh dito eh halos alikabok na nasisinghot namin, sa Campus naman mamaya na kami mag dedecorate
"Okay Guys maglilinis muna tayo bago tayo magdecorate kung saang bahagi kayo in assign doon parin Kayo maglilinis" nakangiting sabi ni Kathy ang namumuno sa section namin which means our President tumango nalang kami bilang sagot at kanya kanyang kumuha nang walis tambo at kung Ano Ano pang gamit para lang malinis ang lugar na ito hayst mayaman naman di nalang nagpa assign na may maglinis dito o mag decorate man sa Royal Ball daw
Nagwawalis ako ngayon habang tinatakpan ang ilong at bibig mahirap na baka may makain din akong alikabok
"Ano ba yan Jade ayusin mo pagwawalis mo nadudumihan Yung uniform Ko oh!" Sigaw ni Maria
"Madudumihan talaga yan kasi ma-alikabok dito" sagot naman ni Jade at nagpatuloy sa pagwawalis
"Alam ko, Pero dahan dahan lang sa pagwawalis" inis na sabi ni Maria at umalis sa tabi ni Jade di naman siya pinansin ni Jade para wala nang away hayst nagpatuloy nalang ako sa pagwawalis
Umabot kami nang apat na oras sa paglilinis Kaya naman ay magdedekorasyon na kami ngayon Yung iba kanya kanya na sa paglalagay sa mga dekorasyon habang yung President namin tinitignan kung okay lang ba ang paglalagay namin sa mga decorations
"Lloyd ayusin mo yung tela dapat maayos yan" saad ni Pres. At sinunod naman ni Lloyd iyon
" huy pre bakit may mga maliliit na bola? Di pa naman pasko ah" saad nang isa kong kaklaseng lalaki
"Oo nga noh sorry excited lang hehe" saad nang isa ko pang kaklase at tinatanggal ang mga bolang nilalagay niya ang layo pa nang pasko excited na siya
"Hindi maliliit na bola yan pre Christmas ball" pagtatama nang isa ko pang kaklase na lalaki
"Tashia akin na Yang hawak mo" nakangiting sabi ni Xia at inayos ang salamin niya ngumiti akong binigay sa kanya nakatingin kasi ako sa tatlong kaklase kong lalaki eh Kaya di ko na naibigay sa kanya ang mga pinapa abot niya sa akin hehe
Natapos na ang pag dedecorate after nang dalawang oras nagpahinga na Muna kami nakaupo ako ngayon sa pintuan naka Indian seat malinis naman eh kasi ni mop nang mga lalaki kanina nakasandal ako ngayon sa pinto habang nakikinig nang mga kanta, Opm
"Bakit nandito ka?" Nagulat ako nang may biglang umupo sa tabi ko
"Ikaw pala Xia" saad ko
"Gusto mo nang tinapay?" Tanong niya tumango naman ako at binigyan niya ako nang tinapay na walang palaman
"Salamat" nakangiti kong sabi sa kanya at kumagat sa tinapay
Tahimik lang kami habang kumakain sinaksak ko rin sa tenga niya ang isang earphone Kaya pareho kaming ginagawa ngayon
"Okay guys Tara na mag dedecorate pa tayo nang buong campus don't worry konti lang naman ang ilalagay nating dekorasyon maglilinis lang tayo" saad ni President at nagsitayuan na sila tumayo narin kami ni Xia yung earphone ko nilagay ko na sa maliit kong bag di kasi ako nagdala nang bag eh naka civillian lang din ako yung iba ganon din yung iba naman naka uniform Ewan ko lang kung bakit sila nag uniform eh alam naman nilang maglilinis at magdedekorasyon lang naman kami
BINABASA MO ANG
My Bossy Boyfriend
Ficção AdolescentePaano kung makatagpo ka nang lalaki na kung maka utos ay akala mo kung sino? Paano kung ang lalaking magpapatibok nang puso mo ay napaka Bossy? Will you accept him or not? Pleasure to meet my Bossy Boyfriend....