* Tashia's Pov *
Nasa canteen na ako habang nagbabasa nang libro paano ba naman kasi first day na first day mamimigay na agad nang mahabang quiz tapos may dalawang assignment pa kaya ayaw kong maging matalino eh palaging basag ang nerves mo sa kakaisip nang kung ano ano about sa mga lessons
Habang nagbabasa nakita ko namang parating na si Gracey sa akin so si Cin na naman ba ang late? ang kupad kupad talaga nang babaeng iyon!
Umupo na siya sa harapan ko habang nakasaksak sa tenga niya ang headphone at nakatutok sa phone niya nakikipag chat na naman siguro sa kung sino sino ang bruha , tinititigan ko lang siya habang ginagawa niya ang kanyang ginagawa kaya napalingon siya sa akin at kumunot ang noo
" What?" tanong niya sa akin , itong babaeng ito paano kaya napunta ito sa Section A? eh palagi lang naman gadget ang hawak niya siguro nangongopya lang toh
" Wala" tipid kong sagot at saka bumalik sa pagbabasa kaya ibinalik na naman niya ang pakikipag chat
Itong si Gracey kasi kapag hawak na niya ang phone niya hinding hindi mo siya pwedeng kausapin, istorbohin at galawin, sensitive ba? OO
Luminga linga naman ako sa paligid na magbabakasakali na andito na si Cin at andito na nga siya pumunta naman agad siya rito at saka umupo pagkatapos ay bumuntong hininga nakita naman siya ni Gracey kaya agad naman siyang niyuyog nito at saka tumili ang bruha, kanina ang tahimik niya nang dumating si Cin biglang umingay
" T-teka Gracey!!" sigaw ni Cin kaya naman ay biglang tumahimik ang mga students dito sa canteen, ang lakas talaga maka sigaw eh noh?
" May good news ako!!" tili at kilig na sabi ni Gracey mukhang ako lang ata itong OP sa dalawa
" Bakit?? anong nangyari??" excited na tanong ni Cin sa kanya
" May pogi akong nakilala kanina" kilig na sabi ni Gracey na ikatahimik ni Cin
" Yun lang? akala ko pa naman kung ano" iritang sabi ni Cin
" Iyan kasi puro lovelife hindi ka na ba nasasawang magmahal? kakabreak up niyo lang nang Ex mo ah" sermon ko kay Gracey
" Palibhasa ka kasi NBSB puro libro yang hawak mo, kita mo ngayon oh nasa canteen libro? diba dapat pagkain? gayahin mo kaya si Cin puro pagkain ang laman nang utak kaya ayan nasa SECTION B-2" pang aasar ni Gracey kay Cin este sa aming dalawa ni Cin kaya napa irap nalang kaming dalawa para sa akin asar na yun noh
" Hayss makalinya na nga gutom na ako" sabi ni Cin at agad namang tumunog ang tiyan nito kanina kasi hindi nakakain ang bagal kasing kumilos kaya ayan
" Isabay mo na kami ni Tash" nakangiting sambit ni Gracey
" Oo nga naman , kung sino ang late siya ang bibili" nakangisi ko namang sabi habang nakatutok sa aking libro
" Nakaka asar! ako talaga!?" sigaw na naman ni Cin
" Bakit ka naman magagalit? Sige na please" nag puppy eyes pa si Gracey at niyayakap si Cin kaya bumuntong hininga nalang si Cin at saka tinanggap ang pera pagkatapos naman ay pumila na siya para bumili nang pagkain habang ako tuloy tuloy parin sa pagbabasa nang libro
* Cin's Pov *
Pumila na ako para bumili nang pagkain nakaka asar kasi yung dalawa porket ako lang yung late ako talaga ang pipila?? tsk pangalawa na ako sa pila kaya atat na atat na akong bumili lalo na at masasarap ang mga pagkain nila dito!
At sa wakas! ako na ang bibili nang biglang nagsitahimik ang paligid pagkatapos nakatulala ang cashier sa may bandang pinto
" Ahmm ate?? Hello? ako na po ang bibili oh??" sabi ko habang iniiling iling ang kamay pero nakatulala padin ano ba ang meron??
Tumingin ako sa may pinto may tatlong lalaki, naka leather Jacket yung sa gitna black yung color ang lalaking nakaka asar kanina!! pero wala na siyang sun glasses nakakainis talaga siya nang aagaw nang space ko! yung sa may bandang kanan naman kulay brown yung jacket habang sinusuklay ang buhok niya tapos sa kaliwa simpleng uniform lang pero maputi
Agad namang gumilid ang mga pumipila pero ako lang itong natira sa pila syempre nasa gilid na ako eh tapos ako na ang bibili
Huminto na ang tatlo sa harap ko tinignan ko sila mula ulo hanggang mukhang paa anong sadya nila?
" Yow!" masiglang bati nang lalaking nasa kanan pero hindi ko na pinansin at saka humarap sa cashier
" Ate pagbilan po nang spaghetti at apple juice tapos isang egg sandwich at Burger Steak tapos dalawang pine---" naputol ang sasabihin ko nang magsalita ang lalaking naka leather jacket na black yung si Mr. Mang aagaw
" Alis" tipid na sabi niya pero cold
" Nauna ako kaya lumayas ka, ang BAGAL mo kasi" ngisi kong sabi sa kanya at diniinan ko pa talaga ang BAGAL quits na tayo kuya
" Ang sabi ko alis!!" sigaw niya sa akin na para bang handa na akong sikmurahin
" Tse! ikaw ang umalis!!" sigaw ko kaya agad namang nagsibulong bulongan ang mga students dito hindi ko alam kung ano pero paniguradong kaming apat ang pinag uusapan
" Ahmm Sir Sky ano po ang order niyo?" tanong nang cashier
" Ate! ako ang nauna hindi siya!" sigaw ko sa cashier sabay turo kay Mr. Mang aagaw pero sinamaan lang ako nang tingin
" Isang Coca Cola" tipid na sagot ni Mr. Mang aagaw
" Isang spaghetti akin at ahmm pineapple juice nalang din" sagot naman nang nasa kanan
" Burger at isang tubig" pagkatapos magsalita nang lalaking nasa kaliwa ay tuluyan na silang umalis
Inilapag naman ni Ateng Cashier ang sinabi nang mga lalaking iyon sa harap ko
" Ibigay mo sa kanila" utos ni Ateng Cashier
" A-ako?" tanong ko sabay turo sa aking sarili
" Oo utos yan ni Sir Sky" sagot niya , ano daw? inutos? eh wala naman akong narinig na inutusan ako nang ugok na iyon
" Kung nagtataka ka, sa itsura palang ni Sir Sky nakikita ko na inuutosan ka niya na ibigay sa kanila ang pagkaing ito, mas mabuti pang ibigay mo na kung ayaw mong magalit siya sayo" mariing sabi ni Ateng Cashier alam ko na kung sakaling magalit sa akin ang lalaking iyon ako naman ang pagbibintangan tapos ano? ipapalipat na naman ba ako nang school?? tsk tsk wala talaga akong choice kaasar!!
Padabog kong kinuha ang tray na may lamang pagkain nila tapos ay lumakad papunta sa kanila at aba!! malapit pa talaga sa upuan naming tatlo!! nakakainis!!
Padabog kong inilapag ang pagkain nila kaya napatingin ang dalawa sa akin tapos ngumisi naman ang isa sa dalawa pero yung lalakin naka black Jacket ay kinuha lang ang coca cola niya tsk tsk umalis na ako sa harapan nila at pumunta kay Ateng Cashier
" Iyan na ang inorder mo, akin na ang pera" sabi niya sabay turo sa pagkain na inorder ko kanina padabog ko namang binigay ang pera sa kanya at kinuha na ang pagkain
Nakaka asar!! sarap nilang ipatapon sa kanal kung ako talaga maubusan nang pasensiya hay naku hindi ko alam
---------------
Please vote, comment and share my story before you go on the next chapter thanks again! 💞😘
BINABASA MO ANG
My Bossy Boyfriend
Novela JuvenilPaano kung makatagpo ka nang lalaki na kung maka utos ay akala mo kung sino? Paano kung ang lalaking magpapatibok nang puso mo ay napaka Bossy? Will you accept him or not? Pleasure to meet my Bossy Boyfriend....