I Smile

7 0 0
                                    

Listen to I SMILE BY DAY6 while reading this! enjoy....



Okay.

Stop with the drama .

Ngayong araw na ito, ititigil ko na ang kadramahan ko. Nakakapagod po kasing umiyak sa isang tao na hindi naman tinadhana para sayo.

Nandito ako ngayon sa field with my bestfriend. I lay down the picnic mat then umupo kami doon. Sinadya talaga ng school ang field. Para daw iyon sa mga events dito sa school like camping , volleyball games, soccer games, picnic ,P.E ,you name it.

I wore my sunglasses at tumingala ako sa langit. Its sunny day. Mainit ang panahon pero di naman gaano.

Kung sana ganito lagi ang mood ko noh? Yung hindi ako mag mumukmok. Ang saya siguro ng ganito ?

"Uy! Lila! Ang lalim ng iniisip mo anoh?" Jammie said while she keeps poking my cheek.

"Yah! Stop it Jam!"

She chuckled. "Ang lalim kasi eh. Mas malalim pa 'yang iniisip mo kaysa sa dagat. Ano ba kasi yan? Or should I say sino?" She again poke me habang tinataas baba niya ang kanyang left eyebrow.

"Anong sino? Pa'no naging sino?"

"Aminin mo! About yun sa video call noh?"

Ugh! That video call! Kainis!

"Aisssshhh! Panira ka ng mood Jammieeee!" She laugh .

"So tungkol nga dun? Awieeee!"

Ang kuliiiiiit!!!!!

"Jam, alam kong crush mo rin siya . Kaya please tama na. Alam kong nasasaktan ka deep inside. Parehas lang po tayo."

"Yah! 'Bat ba kasi maraming nagkakagusto sakanya (T▽T)" Ayun nag dram na ang babaita. May gana pa siyang asarin ako :< Lol.

Bakit nga ba? Ano ba kasing meron sakanya? Ayan tuloy. Maraming nasasaktan. Pero di naman talaga niya intensiyon na saktan 'kami' diba? Nadala lang kami sa mga charms and so whatever niya.

"Hoy! Natulala ka diyan?"

"Wala! Tara na nga sa classroom!"

Mabuti nga nandito bestfriend ko. She can comfort me using her sarcastic word or by teasing me.

Kung di ko lang siya gusto di ako mag iisip ng malalim. Pero ayan na eh. Nag kagusto na eh.

"Gaga! Akala ko ba babalik na tayo sa classroom? Nasa outer space nanaman yang isip mo! Gusto mo bang i-glue nalang kita diyan?" She joked.

Tumawa nalang ako.

"Opo! Tatayo na nay!"

"Ewwww! Nay ka jan! Kadiri Lila."

Nagtawanan at nag tawanan lang kami.

Nandito kami ngayon sa classroom. Ayun! Lesson nanaman. Mabuti nga't madali lang ang lessons namin. Pero hassle parin ang assigments and projects. Ang dami! Marami rin akong schedules! Jusmeyo! May practice pa ako para sa dance competition ,may nakatambak pang books sa bahay para sa study purposes.

This day is a stress day for me.

Waaah! Kapagod!

Three subjects had pass, lunch time na!

Inaayos ko yung bag ko nang lumapit si Sabine sakin. Kung di nyo kilala si Sabine, siya yung tinutukoy ko na SHE.

"Lila, napansin ko lang. These passed few days nagiging tahimik at lagi kang tulala. Okay ka lang? I'm sorry to bother ,pero concern lang talaga ako." She asked me with a worried face.

HER POINT OF VIEW [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon