Listen to CRUSH while reading this!! Enjoy...Papunta kami ng mall ngayon ni Gib to buy our materials for our english project.
Nasa loob kami ng jeep ng huminto ito at sumakay ng bagong pasahero then I saw Gwen my bestfriend.
"Oh my! Lila? Ikaw ba yan?"
Medyo malakas yung pagkasabi niya nun kaya pinandilatan ko siya ng mata. Napalingon rin sakanya si Gib
"Ay. Hehe,sorry."
Tumabi siya ng upo sakin at nag simula ng magchika ng kung ano ano. Then inopen up niya yung topic about sa isa pa naming bestfriend , si Arabella.
"Lila? Mapapatawad mo pa ba si Bella?"
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Mapapatawad ko pa ba siya?
"Sa pang iiwan niya saatin? I guess not. Limang taong pag kakaibigan natin,sinayang lang niya. Kaya,hindi siguro?"
Tumango lang siya.
Huminto nanaman ang jeep at sumakay nanaman ng pasahero.
Tae! Ang sikip sikip na oh! Mag papasakay pa kayo ng pasahero?! Jusmeyong driver!
"Gib? Ayos ka lang ba diyan? 'Di ka ba nasisikipan?"
"Okay lang naman ako ,medyo masikip lang . Ikaw?"
"Okay lang naman din."
Nagulat ako ng kinilabit ako ni Gwen at inilapit niya ang kanyang labi sa aking tainga. Her breath gives me shivers.
"Lila? Boyfriend mo ba yang gwapong katabi mo?" Bulong niya sakin.
She's refering to Gib. Boyfriend ko?Aishh. No. And how rude of me ,bakit di ko siya pinakilala kay Gwen.
"No. No, hindi ko siya boyfriend. He's my classmate." I whispered to her ears. "Uhm.Gib si Gwen pala ,bestfriend ko. Gwen, si Gib classmate ko." I gave her a smile then Gwen and Gib shaked their hands."Sure ka bang di mo yan boyfriend? Baka pinaglololoko mo lang ako." Umiling lang ako sa sinabi niya.
Kahit itanong mo pa sakanya sigurado ako na idedeny niya lang yun. Alam kasi nilang lahat na hindi niya ako girlfriend at hindi mangyayari yun, I don't need to be hurt because i'm already hurt. Totoo naman eh. Pero okay lang.
"So saan kayo bababa?" Gwen asked us.
"Sa SM main." Gib answered her.
"Oh! Ako din, sabay ma tayo!" She said excitingly.
Nandito na kami ngayon and we're heading to the National Bookstore. Si Gwen nag paalam na saamin na pupunta na siya ng Department store then magkikita rin sila ng boyfriend niya, niyaya namin siyang kumain muna but she rejected it, bago lang daw kasi siya kumain kaya busog pa raw siya.
"Gib? Sa may books section muna tayo, may titingnan lang akong story?"
"Sure. Tara."
Pumunta kami sa may books section, naghanap ako ng mga wattpad books, mahilig ako dun eh.
"Ano yan? Kanina mo pa yan tinitingnan ah?" Gib asked me.
"Eto?" Turo ko sa libro. It's entittled "Heartless" and its written by my favorite author, Jonaxx. Tumango naman si Gib sa tanong ko."This is a book, a wattpad book,why?"
"Maganda ba yan basahin? I mean,its book cover is beautiful ,but may lessons ka ba makukuha diyan?"
I chuckled at his question.
"Pfft. Silly. Of course meron. Lahat ng story ni Jonaxx may lesson na makukuha and hindi rin ako nagbabasa ng boring books, I hate those."
He just smiled. Kinuha ko yung book na 'yon at pumunta na sa iba't ibang sections kung saan nandoon makikita ang supplies na kakailanganin namin.