Chapter 8 Storage Room

1.9K 41 4
                                    

Fragile Girls vs Sadist Guys

Chapter 8_______________________________________

Ami POV

Starting from now on everyday you should give me a five minute service.

Kagabi may nangyari sa amin ni chuahua na dapat hindi mangayari. Hinalikan niya ako at ngayon unang araw na ng sports fest. Kaso dahil sa nangayri kagabi hindi ako nakatulog.

“Ami anong nangyari sayo?!”

“Hahahaha hindi ko alam.”

“Ami! Ibalik niyo ang kaluluha ni Ami.” Sabi ni Angela habang nakahawak sa braso ko at inaalog ako.

“Prez! Anong nangyari sayo bakit nagmukha kang panda?” sabi ng isa kong classmate na babae.

“Ami what happened to you!” pinalibutan ako ng mga babae kong classmate. Pare-pareho ang tanong nila at lahat sila ay nagaalala.

“Okay lang ako…hindi lang ako masyado nakatulog…kasi nanakaw ng chuahua namin sa bahay ang first kiss ko.” Sabi ko habang nakatingin ng masama kay Yu.

“Eh di nga my god okay lang yan!”

“Don’t worry prez isipin mo na lang hindi iyon counted!” pilit nila akong pinasasaya.

“Guys….maraming salamat na tatouch naman ako sa mga encouragement niyo!”

“Okay lang yan!”

“Hahaha ang lakas talaga ng charisma ni Ami no?” tanong ni Franz kay Yu.

“So it was really her first…” bulong niya.

“Hm, may sinabi ka ba?”

“Nothing…..”

Pumasok si Sir. Gin sa classroom.

“Okay magpalit na kayo ng damit dahil ilang oras na lang magsisimula na ang sports festival. Siguro alam niyo na naman kung saang laro kayo nakaassign. Galingan niyo.” Sabi ni Sir habang may lollipop sa bibig.

“Yes!” sagot naming lahat.

“Good luck, maiwan ko muna kayo.” Umalis na siya.

“Ami magpalit na tayo.” Yaya ni Angela.

“Sige mamaya na lang….sa pair marathon pa naman ako eh.”

“Okay, tawagin mo lang ako kung maykaylangan ka ah.” Umoo ako.

Nagsialisan na ang mga classmate ko para magpalit ng p.e. uniform. Ako na lang ang natira sa classroom.

“Hay….matutulog muna ako may isang oras pa naman bago ang opening.” Iniga ko ang ulo ko sa lamesa.

Oo nga pala…..sino nga ba ulit ang ka pair ko sa marathon? Nakalimutan ko dapat pala tinanong ko kay Franz, hayaan ko na nga malalaman ko rin naman mamaya.

“Balita ko chuahua ang kumuha ng first kiss mo.” May narinig akong nagsalita kaya inangat ko ang ulo ko at nakitang nakaupo si Yu sa upuan sa harap ko.

“Ikaw!......bakit ka nandito?”

“Sa last game pa ako kaya hindi pa ako nagpapalit.”

“Sa iba ka na lang tumambay gusto ko mapagisa at higit sa lahat ayoko makita ang mukha mo.”

“Dahil ba sa nangyari kagabi? Hindi ka parin maka get over doon?”

“Ewan ko sayo, para sa isang babae importante ang first kiss niya.”

Fragile Girls vs Sadist Guys(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon