Chapter 22 Ignoring him.

1.2K 27 5
                                    

Fragile Girls vs Sadist Guys

Chapter 22______________________________________

Ami POV

“I was humiliated! Napaka kapal ng mukha mo! Hindi lang dapat sampal ang abutin mo eh. Hindi lahat ng babae susunod sa mga gusto mo! Hindi lahat ng babae mapapaluhod mo at mapapahalik mo diyan sa mamahalin mong sapatos!”

Pagkatapos akong iwanan ni Yu sa park bumalik na ako sa hotel. Pagkabalik ko sa hotel napansin kong wala pa rin si Angela kaya kinuha ko ang mumurahin kong cellphone at tinext siya.

Nasan kaya siya? Kasama pa rin kaya niya si Franz?

Lumipas ang ilang oras bumalik na rin si Angela sa hotel. Ikinagulat ko naman na kasama niya si Yu halata sa mata ni Anj na umiyak siya. Agad ko siyang nilapitan.

“Anj! Anong nagyari? May ginawa ba siya sayo?” umiling siya at sinabi kay Yu na iwanan muna kami. Sumunod naman si Yu lumabas siya ng kwarto at iniwan kami. Pagkalabas na pagkalabas ni Yu sa kwarto niyakap ako ni Anj ng mahigpit.

“Angela….ano ba talagang nagyari…” ramdam ko ang panginginig ng katawan niya kaya niyakap ko rin siya ng mahigpit.

“I….was…rejected….”

“Rejected? Huwag mong sabihin…”

Inalis niya ang pagkayakap sa akin, laking gulat ko na may tumutulong luha na galing sa kanyang mata. Pero kahit naiyak siya pinipilit pa rin niyang ngumiti.

“Franz rejected me…..hindi ko na nakayanan ang nararamdaman ko kaya ako nagconfess pero….ang sagot lang niya sa akin ay…..sorry…..hindi raw ganun ang tingin niya sa akin.”

“Anj. Yung lalaki na yon! Lagot sa kin yun! Pakshet siya pano niya nagawa sayo yun, hindi ko aakalaing ganun siyang lalaki.” Hinawakan ni Angela ang kamay ko at umiling.

“Huwag na…..please…..ako rin ang may kasalanan…..kung hindi ako nagconfess…”

“Huwag mong sisihin ang sarili mo! Angela, huwag ka ng umiyak. Hindi ako manunong sa mga ganetong bagay sa totoo lang wala nga akong kaalam alam sa pagibig na yan eh. Pero may isa akong bagay na alam…ang pag-ibig ay nakakatanga at puro sakit sa ulo ang binibigay. Mas gugustuhin ko pang umibig sa isang ice cream kaysa sa isang prince charming na paasa.” Ngumiti lang siya.

“Alam mo Anj. Kahit madaling matunaw ang ice cream bibigay niya sayo ang kaligayahan at isang matamis na sensation compare sa mga lalaki na yan….alam mo yun..argh! Ang hirap iexplain basta yun yon!” tumawa siya kaunti sa pagiging try hard ko.

“Hindi ko nagegets ang sinasabi mo pero alam ko ang gusto mo iparating at alam ko rin na pinapasaya mo ako. Thanks Ami.” Pinunasan niya ang mga luha niya at binigyan ako ng isang maganda at malaking ngiti.

“Wa…wala yun..” nahihiya kong sabi, tumawa ulit siya dahil sa pula ng mukha ko. Napakamot na lang ako sa ulo. “AHHH~! Tama na nga yang kadramahan natin! Dapat nga masaya tayo ngayon eh.”

“Sorry dahil sa akin..” lumungkot ulit ang itsura niya.

“Ah ah ayan ka na naman. Bawal sumimangot dapat wala akong makitang kunot diyan sa noo mo ah.” Sabi ko habang kinukurot yung cheeks niya.

“Opo ma’am.” Sabi niya sa gitna ng pagkurot ko sa pisngi niya.

“Halika na, maaga pa bago ang dinner assembly kaya mamasyal muna tayo iniwanan mo kasi ako kanina.” Hinila ko siya papalabas ng kwarto. Hindi siya umangal o nagsalita pa hinawakan lang rin niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng hotel.

Fragile Girls vs Sadist Guys(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon