Chapter 51 College Life

870 24 4
                                    

Fragile Girls vs Sadist Guys

Chapter 51______________________________________

Ami POV

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na wala na sa tabi ko si Yu sa aking pagtulog, na hindi ko na siya kasabay kumain, na wala na siya sa tabi ko para bigyan ang mukha ko ng isang ngiti.

Pero…kahit wala na siya dito sa tabi ko alm kong balang araw magkikita ulit kami. Balang araw mayayakap at makakausap ko rin siya ulit.

Yu…habang buhay kitang iintayin. Naniniwala akong tutuparin mo ang iyong pangako. Ang pangako na magkikita rin tayo ulit.

Lumipas ang araw at hindi ko namalayan tapos na pala ang summer vacation at pasukan na ulit.

“Lola Dalia alis na po ako.” Sabi ko habang handa ng umalis.

“Sige magingat ka ah.”

“Opo.” Tumakbo na ako papunta sa sasakyan na maghahatid sa akin sa school.

“Good morning miss.” Masayang bati ni Sebastian. Nginitian ko lang siya at pumasok na sa loob ng sasakyan. Sumakay na rin si Sebastian at pinaandar na ang sasakyan.

Kahit umalis na si Yu nagstay pa rin ako sa bahay niya at nagpatuloy sa aking daily routine. Pero ngayon…wala ng Yu Sogo sa aking tabi.

Mga 25 minutes lang nakarating na kami sa school.

“Ingat ka Miss.” Umoo ako at nagpatuloy na sa loob ng campus.

Siguro para sa akin ang pinaka masaya na lugar ay ang school.

Pero hindi ko magawang magsaya dahil sa school na ito ay walang Angela na tatakbo sayo at yayakapin ka ng mahigpit.

Walang Franz na bibigyan ka ng malaking ngiti.

Walang tatlong lalaki na nandyan para asarin ka.

Walang Michaela at Loisa na sisirain ang araw mo.

At higit sa lahat walang Yu na tititigan ka lang na may isang tagong ngiti.

Bumalik ako sa reyalidad ng may biglang sumigaw.

“Okay lahat ng freshmen students dumeretso na kayo sa staduim para sa morning assembly!”

Tama…simula ngayon isa na akong College student.

 

Nang matapos ang morning assembly pumunta na ako sa classroom ko kung saan ang una kong subject gaganapin. Pagkapasok ko palang na pagkapasok hindi ko maiwasang hindi malungkot.

“Ami tabi tayo!” nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Angela. Agad ko siyang hinanap pero wala siya doon.

Ah…imagination ko lang pala…

Tinawanan ko na lang ang sarili ko at umupo na sa pinili kong upuan.

“Anong nakakatawa?” nagulat ulit ako ng may kumausap sa akin pero this time totoo na talaga. Tiningnan ko kung sino yuon at nakita ko ang isang babae. Isang babae na may magandang mukha at may isang ngiti sa mukha niyang ito.

“…Wala…nalulungkot lang ako kasi wala yung mga kaibigan ko dito. Nakakapanibago.”

“Hmm. Pero bakit kaylangan mo tumawa?” pagtanong niya ulit. Tumawa na lang ako. “Eh? Bakit ka natawa! Ah! Huwag mong sabihin ako yung tinatawanan mo!”

Fragile Girls vs Sadist Guys(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon