Paunang Salita

3K 59 2
                                    

Nung nakaraang dalawang linggo nakakapanood ako ulit ng It's Showtime. Sa segment ng Miss Q and A, nakita ko ang moment ni Ate Girl at Vice. 'Sino si Ate Girl?' Tanong ko. Naghihiyawan kasi ang audience. Noong unang beses ko silang mapanood, may kilig kahit sobrang nakakatawa lang si Vice. 

Mula sa mga naisulat kong "The Irony" at "Deciphered" na tungkol sa ViceRylle, tutungo ako sa isang kwento na lilihis sa kanilang dalawa. Baka magtaka o mainis kayo dahil nag-iba ang loveteam na nagugustuhan ko... hindi talaga ako avid fan ng kahit sinong artista o loveteam. Sadyang mapaglaro lang ang aking isipan. At marahil intresado talaga ako sa idea na 'what if' magkagusto nga si Vice Ganda sa isang babae.

Nung naisip kong gawan ng kwento sina Ate Girl at Vice, inisip ko agad: 'sino at paano ba si Ate Girl off-cam?' Wala akong makitang profile niya bukod lang sa instagram. Sumunod na tanong, 'sinu-sino ang mga tao sa paligid ni Ate Girl?' Si Vice at Karylle kasi noon, nasusundan ko sila sa tv at social media, pero si Jaki ay isang bagong karakter. Hindi siya isang sikat na artista. Sinubukan kong sundan ang portion nila ni Vice sa Miss Q and A at ilang videos sa youtube na nakikita ko si Ate Girl, kaya nagawan ko na siya ng isang katauhan sa aking isipan. Ito ay katauhan na maaaring malayo sa totoong buhay pero tutugma sa kwentong ito. 

'What if?' Simple pero mahirap na tanong. Minsan nga hindi natin masagot dahil sumisimbolo ito sa pagsisisi, panghihinayang at pagbabakasakali. Sisimulan ko ang kwentong ito sa pagbabakasakali na magtatapos sa pagsisisi at panghihinayang. 

Sana ay magustuhan niyo rin ang bagong fan fiction na ito. Katuwaan lang habang bakasyon ko. Bigyan natin ng totoong pag-ibig sina Ate Girl at Vice Ganda. 


#WhatIf -=JakiVice=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon