Bear Hug

1.9K 69 27
                                    

Isang gabi, magkausap lang sina Jaki at Vice sa phone. Buong araw kasi silang hindi nagkasama dahil may trabaho si Vice. 


Jaki: Dati ba sumasali ka rin sa mga contests?

Vice: Oo sa mga pa-beauty contest ng mga bakla.  

Jaki: Eh sa pagkanta?

Vice: Hindi ko yata na-try. Di kasi ako confident sa boses ko dati. Pinapakanta lang ako ng tatay ko sa harap ng mga kainuman niya pag may birthday. Magaling daw akong kumanta. 

Jaki: Magaling ka nga. Ang ganda nga ng boses mo.

Vice: Eh pero di ko siya iniisip dati na gift ko siya. Iniisip ko lang, ako kasi ang paborito ng mga magulang ko kaya nagagandahan sila sa boses ko.

Jaki: Gusto ko pag kumakanta ka. Kinikilig ako. 

Vice: *napangiti* Salamat.

Jaki: Namimiss na kita.

Vice: Ako rin. Sobra. Sunduin kaya kita sa inyo bukas?

Jaki: Sunduin? Bakit?

Vice: Sabay tayo pumasok.

Jaki: *natawa* Joke time ka. Maaga ko pumapasok 'no. 

Vice: Oh anong problema?

Jaki: Late ka gumigising.

Vice: Matutulog nga ako ng maaga ngayon. Para masundo kita. Sabay tayo mag-almusal.

Jaki: Seryoso ka ba?

Vice: Mukha ba kong nagbibiro?

Jaki: Gising na kasi ako ng 6:30. Umaalis ako ng mga 8.

Vice: Nandyan na ko ng 7.

Jaki: Seryoso ka nga?

Vice: Oo nga.

Jaki: Dito ka na lang sa 'min kumain. Sabay tayo magbreakfast.

Vice: Pwede rin. Tapos magkape tayo. Brewed.

Jaki: Diyan kayo magkakasundo ni Papa.

Vice: Ay gusto ko 'yan. 

Jaki: Anong isusuot mo papasok?

Vice: Simple lang. Sa ABS na lang ako magbibihis ng formal outfit.

Jaki: Di ka pwede mag-ulit ng damit 'no?

Vice: Sa pagpasok? Pwede naman. 

Jaki: Suotin natin 'yong bigay mo sa 'kin na damit. Yung may 31.

Vice: Sure. Check ko nga kung nasa'n na 'yon. Natabunan na yata sa closet ko.   

Jaki: Ay wait lang.

Vice: Ano 'yon?

Jaki: Sweatshirt 'yong sa 'yo di ba?

Vice: Oo.

Jaki: Mainit dito sa 'min.

Vice: Ah okay. Mag-same color na lang tayo kung gusto mo. Wala pa pala tayong couple outfit. Di bale bili tayo next time.

Jaki: Sige.


---


#WhatIf -=JakiVice=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon