Text Message

1.9K 55 7
                                    

Nang matapos ang Miss Q and A segment, nagpuntahan sina Jaki at kasamahan niyang Showtime dancers sa dressing room. Umupo muna sa corner si Jaki katabi ng mga gamit niya. Hawak niya ang cellphone niya at napatakip siya ng mukha. Sobrang hiyang-hiya kasi siya sa nangyari.


Madc: Jaki *tumabi kay Ate Girl* ayos ka lang ba?

Melvie: *niyakap si Jaki* Beks... okay lang 'yan.

Madc: Oo nga. At saka wala lang kina Bays 'yon.

Melvie: Ano ba 'yong eksena mo kanina? Bakit may gano'n nang drama?

Jaki: *tumingin sa cellphone* Di ko rin alam.

Shy: Di ka naman affected na sa aktingan niyo?

Jaki: Hindi.

Melvie: Nadala ka lang sa moment? Gano'n?

Jaki: Siguro. Baka. Di ko talaga alam.

Madc: Ate Girl... *inakbayan din si Jaki* Ireremind lang kita sa madalas na linya ni Bays sa 'yo.


Tumingin si Jaki kay Madc.


Madc: Trabaho lang 'yan. Iba ang personal sa trabaho.

Jaki: Di ko naman pinepersonal 'yon. Di ako nafo-fall kay Ate Vice.

Madc: Ang sinasabi ko, di naman tayo sanay sa showbiz. Baka nadadala ka lang.

Jaki: Di ako nadadala sa biruan namin. *nagsalumbaba* May bad sign lang.

Madc: Bad sign?

Melvie: Anong bad sign?

Jaki: Nagdasal kasi ako ng malinaw na sign kay God para kung dumating 'yong taong pakakasalan ko, alam ko na kung siya na 'yon.

Shy: Ano 'yong sign?

Madc: Kakantahan ka nung lalake?

Jaki: Di lang basta kakantahan. Sobrang specific nung hiningi ko. Kakantahan ako ng Tagpuan.

Shy: Ayy shet! *napatakip ng bibig*

Melvie: Malala nga 'yan, Beks! *napabitaw kay Jaki*

Charm: Kinilabutan naman ako sa chika mo d'yan, Jaki.

Jaki: Naiyak talaga ko kasi pagkarinig ko kanina no'ng kanta. Parang nalito ako na ewan. Ang dami naman niyang pwedeng kantahin di ba? Pero bakit Tagpuan pa?

Madc: Alam mo, 'wag mo na lang muna isipin 'yan. Malay mo hindi pala gano'n. Alam naman natin lahat dito na malabong si Vice ang makatuluyan mo. Di kayo talo.

Amina: At masyadong malayo ang age gap niyo, Teh.

Madc: Isa pa 'yon.

Melvie: May point sila, Jak.

Jaki: At mahal ko si Tom.

Amina: Yan naman talaga dapat.

Shy: Magmove on ka na lang, Besh. Wag ka na rin paapekto sa kung ano mang sign na 'yan kasi di ka naman sure kung 'yon na ba 'yon.

Neri: Jaki! *tawag niya*


Natigil ang usapan. Tumingin si Jaki sa gawi ni Neri na malapit sa may pinto.


Neri: Hinahanap ka ni Ate Vice.

Madc: Ayan na. *tinapik sa balikat* Relax ka lang, Girl ha.

#WhatIf -=JakiVice=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon