Sign

2.4K 70 13
                                    

Sa loob ng dressing room ng Showtime dancers, nagkalat ang mga gamit at abala ang lahat na nagbibihis para sa opening number. Nag-aayos ng buhok ang iba habang si Jaki naman ay nakaupo sa gilid at may kausap sa cellphone.

Si Jaki Gonzaga o mas kilala na natin bilang si Ate Girl ay kasama sa Showtime dancers. Hindi naman bago sa kanya ang makakita ng mga sikat na artista at lumabas sa tv pero hindi rin naman siya bukas sa publiko. Maganda si Jaki. Maputi at makinis ang balat. May pang modelong katawan, payat, pero bagay sa lahat ng porma. Sa una hindi mo mapapansin ang ganda niya pero habang tinitigtigan mo siya, mapapangiti ka. Mas maganda kasi siya pag makikita mo siyang nakangiti. Marahil nakakadagdag sa kagandahan niya ang dimple niya. Simple lang siyang babae pero makulit na kaibigan at talagang masiyahin. Lingid sa kaalaman ng marami na boyfriend niya si Tom Doromal, miyembro ng Hashtags. Tipikal mang lalaki si Tom, nakitaan naman ni Jaki ito ng kakaibang kabaitan at katapatan na hindi niya maikukumpara sa kahit sinong lalaki. Kaya hindi naging mahirap para sa kanya na ma-in-love kay Tom.


Jaki: Kumain ka na?

Tom: Oo. Ikaw ba?

Jaki: Kanina. Sabay na ang breakfast at lunch.

Tom: May rehearsal ba kayo mamaya after ng Showtime?

Jaki: Wala naman. Magkikita ba tayo?

Tom: Gusto ko sana pero sasamahan ko muna si Mama. Puntahan na lang kita.

Jaki: Sige.

Tom: Text mo na lang ako. Magprepare ka na rin diyan.

Jaki: Okay. Bye.

Tom: Bye. Love you.

Jaki: Love you too.


Binaba ni Jaki ang cellphone niya pagkaputol ng linya. Inayos na rin niya ang damit niya at nagmake-up. Sa tabi niya noon ang kapwa niya dancer na si Madc.


Madc: Girl, keribels mo ba kung mapansin ka ulit ni Vice?

Jaki: Medyo nasasanay na rin ako. 

Madc: Pero benta talaga kayo. May kilig din eh.

Jaki: *natawa* Pag nando'n ako sa moment nakakakilig din talaga.


Narinig ng isa nilang kasama ang usapan nila. Lumapit naman si Melvie na tapos na magbihis at magmake-up. Nagbrush lang siya ng buhok niya.


Melvie: Mamaya Ate Girl, tamaan ka na niyan kay Vice.   

Jaki: *natawa* Baliw! Ang labo naman n'on.

Madc: Uyy Jak, wag ka papasiguro.... *natatawa*

Jaki: Ano ba 'yon... di ako magugustuhan ni Ate Vice. Posible 'yan kung lalake ako.

Melvie: Eh di naman siya ang sinasabi ko. Ikaw, Ate Girl!

Jaki: Hindi talaga. Ineenjoy ko lang 'yong moment.


Maya-maya may kumatok sa pinto ng dressing room nila. Binuksan iyon ni Madc. Dumating ang isang writer para kausapin si Jaki na may mga dalang clipboards at headset.


Madc: Jaki, si Ma'am Iris. 


#WhatIf -=JakiVice=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon