First Day

2.1K 60 40
                                    

Vice: Anong nabago sa atin ngayon, Jaki?

Jaki: Anong ibig mong sabihin?

Vice: Ngayon na tayo na?

Jaki: Hmm... mas expert ka sa 'kin pagdating sa relationship. Ang tanda mo na kaya.

Vice: *natawa* Oo nga eh. Parang tiyuhin mo na 'ko.

Jaki: Alam mo kung anong bago? Ganito. *niyakap si Vice sa bewang* Kasi sa 'yo na 'ko.


Ngumiti si Vice. Hinalikan niya sa pisngi si Jaki at niyakap din ito sa bewang.


Jaki: Ba't gano'n? Parang di pa rin ako komportable na malapit ako sa 'yo.

Vice: *tumingin kay Jaki* Paanong di komportable?

Jaki: Parang naiilang pa rin ako na nahihiya. Ewan.

Vice: *hinawakan sa mukha si Jaki* Tignan mo lang ako bilang ako, wag bilang si Vice. Ordinaryong tao lang ako sa likod ng camera, Jaki. *niyakap si Jaki* Simpleng tao lang ako na nagmamahal sa 'yo.


Bumitaw ng bahagya si Vice kay Jaki at nagtinginan sila. Hinawi ni Vice ang buhok ni Jaki. Nilapit ni Vice si Ate Girl sa kanya. Nakahawak siya sa bewang nito at si Jaki naman ay nakakapit sa leeg ni Vice.


Vice: I love you. *bulong kay Jaki*

Jaki: I love you.


Lumapit nang dahan-dahan si Vice kay Jaki. Hinalikan niya ito sa labi. This time, that's a real kiss with emotion. Tumugon ng halik si Jaki. Mas yumakap pa ng mas mahigpit si Vice.

Tumambay lang muna sila sa bahay ni Vice. Nakahiga si Jaki sa lap ni Vice. Si Chip In naman ay nakaunan din sa paa ni Jaki.


Jaki: Gusto mo pala pumunta sa weekend sa bahay namin?

Vice: Okay lang ba?

Jaki: Oo naman. Ba't naman hindi?

Vice: Magsasabi na ba tayo sa pamilya mo?

Jaki: Alam naman nila na may feelings na 'ko sa 'yo. Kaya di na sila mabibigla.

Vice: Anong reaksyon nila?

Jaki: Mas worried si Papa no'ng sinabi ko, kasi nga di ka naman nila kilala, at siyempre napalapit na rin naman sila kay Tom. At tiwala talaga kasi sila sa kanya. Alam nila na pag kasama ko siya, safe ako.


Hindi sumagot si Vice.


Jaki: Uy... di ka na sumagot. *tumingin kay Vice*

Vice: Iniisip ko lang, paano ko liligawan ang pamilya mo. Di naman ako sanay sa ganito.


Natawa si Jaki.


Jaki: Okay lang 'yan. Wag mo na sila masyadong isipin.

Vice: *hinawakan sa chin at tumingin kay Jaki* Di ko inasahan na mangyayari sa 'tin 'to. Ano bang meron ka?

Jaki: Yung fishbowl?


Natawa si Vice. Nilapit niya ang mukha niya kay Jaki at nakipagnose-to-nose.


Jaki: Kiss mo ko.


Hinalikan ni Vice si Jaki ng mabilis sa labi.


Vice: Alam mo kelangan na kitang ihatid sa inyo. Gabi na. *tumayo na* Prepare ka na dali. *hinatak si Jaki para bumangon*

#WhatIf -=JakiVice=-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon