"Mahal na prinsipe! Mahal na prinsipe!!!.. ang kaharian .. a-ng ka--harian po.. uhuuhuh"
"Ano po iyon?? Hindi ko kayo maintindihan.. ano nangyayari.. sabihin mo sa akin??"
___________________________________________________________________________
Simula bata pa lang ay nanatili ako sa kaharian namin kasama ang mahal kong mga magulang..
Ang loob nito ay sobrang laki, hindi mo masukat ang kataasan nito.. sa gilid ng mga nag-tataasang pader ay nakasabit ang mga nagsisi-lakihang mga larawan ng aking mga ninuno, mga koronang nakasuot sa kani-kanilang mga ulo...
Isa akong prinsipe, na simple lang manamit, at mahilig makisalamuha sa ibat- ibang mga tao, mas masaya akong nakikibagay sa mga taong naninirahan sa kanilang maliliit at mumunting tirahan,
Kahit tutol ang aking mga magulang sa pakikibagay sa mga taong ito ay hindi ito hadlang para ako'y tumakas sa aming palasyo at makisalamuha sa kanila.
Naaaliw ako sa mga gawaing kakaiba na hindi ko ito nakita sa buong buhay ko, mga mumunting kabuhay nila, pagtitinda na halos nagsisigawan ang mga tao na animoy galit sa pagsigaw pero naguusap lang ito kung titignan mo.
Takbuhan ng mga bata, mga ngiti at saya na kakaiba na hindi ko naranasan sa palasyo kahit kelan...
Sa aking paglilibot, may nakita akong malaking balon at naaliw ako sa tubig na ibinubuga nito mula sa gitna ng balon. Tila sumasayaw ang tubig na nang-gagaling dito. Talon dito talon doon, mawawala at susulpot. Naaaliw ako sa nakikita ko, kaya agad ko itong nilapitan upang mag tampisaw dito para paglaruan ang tubig sa pagilid nito.
Sa gitna ng kaaliwan ko ay may natanaw akong isang batang babae na nakaupo sa gilid ng balon at nakalublob ang kaniya mga paa dito.
Natatakpan ang muka niya dahil sa buga ng tubig galing sa gitna ng malaking balon. Agad kong nilapitan ang bata, unti-unti kong naaaninag ang kaniyang itsura.. at nakaagaw pansin sa akin ay ang mga mata niyang asul na tila isang dagat na payapa at kalmado.. hindi ko maiwasang lumapit pa lalo sa kaniya hanggang sa nasa tapat ko na ito.
Titig na titig ako sa mga mata niya at sa bawat titig ko dito ay makikita mo ang buhay na buhay at nangungusap sa akin, na tila inaakit ako na sumama sa kaniyang mundo.
Napapangiti ako hindi ko alam kung bakit pero ang gaan ng aking loob. Agad ako nagpakilala sa kaniya hindi bilang isang batang prinsipe kundi isang simpleng tao rin gaya ng mga namumuhay dito.
Lagi ko ito kasama,kalaro, sobrang kampante ako kasama siya sa bawat pag titig ko sa kaniya ay nagbibigay aliw at ngiti sa aking puso lalo na ang makita ang ngiti sa kaniyang mga labi. Walang araw na hindi ko siya nakikita at nakakasama, mga samahang aking pinangangalagaan at naging parte siya ng buhay ko.
Hanggang sa nawala na ito sa aking buhay. Hindi ko alam kung saan siya napunta.
Ilang beses ko siya hinanap ngunit nabigo ako.
Nagtanong-tanong ako sa mga taong nakatira dito ni isa wala nakakakilala sa kaniya. Tanging kunot-noo lang ang sagot nila sa akin. Hindi ba nila kilala ang taong araw-araw kong kasama? Nasaan siya? Bakit bigla siya naglaho na parang bula?
BINABASA MO ANG
The Mysterious Dreams
RandomMaraming misteryo nagaganap sa panaginip at puno ng katanungan. Naguguluhan ka ba na tila kilalang-kilala mo ang taong nasa panaginip mo? Pero nung nagising ka ay nakalimutan mo yung muka nito kahit pangalan? Nagagawa mo bang ipag-patuloy ang mga pa...