Death

31 3 0
                                    

Ang gandang pagmasdan itong paligid, maraming bulaklak at halaman isama narin ang mga nagsisitaasang mga puno... kahit ang hangin sa paligid ay ikakatuwa mo dahil hindi gaano mainit at hindi rin malamig.. pag-tumingala ka, makikita mo ang kulay bughaw ng kalangitan at nakakaaliw pagmasdan.

Sa aking paglalakad.. maraming tao sa paligid, lahat sila'y nakaputi.. mga bata , matanda nag-kukumpulan sa iisang lugar..

Isa-isa ko sila kinakausap upang tanungin kung ano nangyayari.. wala man lang pumansin sa akin, marahil masyado silang abala.. kaya naisip kong maglibot.

Ang iba'y nakahilera.. at puno ng katahimikan ang paligid..

Kakaiba ang aking paglakad dahil doble at triple ang hakbang at layo para akong tumatalon o nakalutang lang.. hindi ko na lang pinansin iyon.. pinagpatuloy ko ang paglalakad at may napansin akong tao.. hindi ako maaaring magkamali dahil kilala ko iyon... kamag-aral ko si Dhea at nilapitan ko siya.. kinakausap ko siya subalit nananatili siyang tahimik.. kaya naisipan ko sundan na lamang ito..

Natanaw ko ang isang magandang bahay na gawa sa bato, ngunit wala itong pintuan at bintana.. kaya madali mo makikita kung ano mayroon sa loob nito.

Unti-unti akong lumapit sa gitna ng bahay kung saan nagkukumpulan ang mga tao.. nakita ko ang isang mahabang  bagay na kulay puti kung saan lahat sila'y nakatingin doon.. 

"bakit... bakit... kahapon lang ang saya-saya natin pero.. bakit???" - nagtataka ako sa sinabi ng isa sa mga kamag-aral ko malapit sa puting bagay nandoon.. tinignan ko silang lahat, makikitaan mo ang lungkot sa kanilang mga muka..ang iba'y umiiyak..

"anong nangyayari dito? bakit kayo umiiyak? huh??" - pasigaw kong sinabi ngunit wala ni isa ang pumansin sa akin..

Agad kong nilapitan at tinignan kung ano mayroon doon sa mahabang bagay at kulay puti..

Pagkasilip ko ay nakita ko isang babaeng nakahiga sa mahabang bagay na iyon at may hawak na puting bulaklak.. tila natutulog ito ng mahimbing..  at nilapitan ko maigi ang babaeng nakahiga ... laking gulat ko kasabay ng paghahagulgol ng maraming tao.. dahil... ako ang taong nakahiga sa mahabang bagay na kulay puti... isang ataul kung saan nakahiga yung katawan ko..

"andito ako hindi pa ako patay!!! pansinin ninyo ako!!!"  - ilang beses akong sumigaw ng paulit-ulit ngunit wala nakakarinig sa akin.. maluha-luha na ako dahil sa nangyayari..

tumakbo ako at dumaan sa pader.. laking gulat ko ay nasa ibang lugar ako..

Isang opisina.. na walang tao sa paligid.. maraming mga office chairs, may mga divider din dito sa office, mga computer, mga papeles at iba pa..nagulat ako may mga kasama ako naglalakad patungo sa area namin daw.. mga ka officemate ko ata sila..

Kwentuhan... chikahan.. 

maya-maya pa ay biglang bumuka ng malaki ang sahig... hindi naman lumindol pero sobrang laki nito at nang nilapitan ko ito , makikita mong sobrang lalim nito at biglang nagkulay pula ang paligid nito... buhay na buhay ang pagkapula nito.. parang araw o bulkan mararamdaman mo rin ang init nanggagaling dito.

"NGGGIIIYYYYYAHAHAHAHAHHAHHA!!! DITO KA MAPUPUNTA... HAHAHHA.. AT MAGIGING SA AKIN KA!!!! MARARAMDAMAN MO ANG WALANG HANGGANG INIT HAHAHAHHA!!!!"

mapulang anyo.. nakakatakot na boses na humuhugot mula sa kalaliman ng lupa.. na patuloy ang pag alingawngaw ng boses nito sa paligid.

sabi nila dapat galawin mo ang hinlalaki mo sa paa upang magising ko o kaya igalaw mo ang buong katawan mo para magising ka.. pero walang epekto ito...  naririnig ko parin ang tawa niya na nakakatakot..

nilakasan ko ang loob ko at nagdasal.. sa panaginip ko alam kong sobrang lakas ng pagdasal ko pati boses ko.. nagulat na lang ako nang naimulat ko ang aking mga mata at pag kagising ko ay patuloy parin ako nagdarasal at nagpasalamat sa Panginoon.

_________________________________________________________________

IKAW ANO PANAGINIP MO???

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Mysterious DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon