dagat, ang ganda... palubog na ang araw at matatanaw mo ang kagandahan ng dagat.. nakatayo ako ngayon at dinadama ang malaming na hangin.. isa-isa kong hinubad ang aking saplot sa paa at naglalaro sa dalampasigan na tila isang batang tuwang tuwa.. tumatalsik ang mga mumunting alon at agad akong pumikit na nakabukas palad, nakatayo at nakatingala.
Naaaninang ko parin ang paglubog ng araw kahit nakapikit ako..
Maya-maya'y narinig ko ang isang tinig na kumakanta agad tumulo ang aking luha at patuloy ko parin itong pinakinggan, napayuko ako dahil sa sobrang lungkot, hindi ko inaasahan na may yumakap sa akin mula sa likod ko ng mahigpit...
*Ccchhhrrriiikkkk*
"Nakita mo ba?? Doon mo mahahanap ang lahat ng kasagutan sa mga katanungan sa iyong isipan, handa ka bang harapin iyon?? Mag-iingat ka.. *sabay duro niya sa aking kaliwang dibdib* tanging yan lang ang makakatulong sa iyo "
Dumilat ako na tumutulo parin ang luha sa mata ko ay nakita ko ang nasa harapan ko, isang matandang lalaki na kakaiba ang mata at nakaluwa. Tuyong tuyo ang mga ito at kitang kita ang mga laman sa loob nito.
"Huwag kang matakot harapin mo itong ng buong puso tanging ikaw lang nakakaalam sa sarili mo kung ano ang hinahanap mo"
At tuluyan ng umalis ang matandang lalaki na may tungkod
"Mahal na prinsipe, ayos lang po ba kayo?? Kanina pa po kayo nakapikit at nakatayo diyan.. sino po kausap ninyo??"
"N-nakita mo ba kung sino ang kausap ko dito kanina?? Yung tumawag sa akin na may gustong kumausap sa akin?? Yyy-yung matandang lalaki dito sa harapan ko??"
"Hh-hhuh ehh wala po.. tanging ako lang po yung lumapit sa iyo kanina galing ka po sa loob ng palasyo at basang-basa.. pagkatapos nun ay naglakad kayo papunta dito na nakapikit at lumuluha"
Naguguluhan ako?? Ano ang nangyari?? Guni-guni ko ba iyon kanina?
Pero imposible dahil ramdam ko ang lahat at kitang kita ng dalawa kong mata at rinig ko ang lahat.
"Lahat ng mga tao dito sa ating lugar ay dalhin ninyo sa kabilang ibayo kung saan nandoon ang kapatid ng aking mahal na hari.. wala kayong ititira kahit mga hayop."
Binigay ko sa aking katiwala ang sulat na nagpapatunay sa aking iniutos. Mahirap pero kailangan para sa kaligtasan ng aking nasasakupan.
"Masusunod po mahal na prinsipe"
Nananatili parin ang pagkulog at pagkidlat. Ngayon kailangan kong gumawa ng paraan para sa kaligtasan ng lahat.
Tumingala ako at pumikit.. dinama ko ang hangin.. at sumakay na ako sa aking kabayo at narinig ko ang tinig na kumuha sa akin atensyon..
*La - La.. lalala....
La lala la r..rii..
Rrii...riiinng riing rinng
![](https://img.wattpad.com/cover/17849258-288-k907997.jpg)
BINABASA MO ANG
The Mysterious Dreams
CasualeMaraming misteryo nagaganap sa panaginip at puno ng katanungan. Naguguluhan ka ba na tila kilalang-kilala mo ang taong nasa panaginip mo? Pero nung nagising ka ay nakalimutan mo yung muka nito kahit pangalan? Nagagawa mo bang ipag-patuloy ang mga pa...