i

5.1K 148 21
                                    

Typical friday night. Mga kabataang mas malakas pa uminom sa mga tatay nila. Magbabarkadang walang pakialam kahit rinig na rinig na ang mga murahan nila. Malalakas na tawanan ng mga kababaihan sa dahilang hindi ko alam. At mga tugtugan na wala sa playlist ko.

"Kung ikaw ang nasa posisyon ko, anong gagawin mo?" tanong ko kay Kris, kababata at halos kapatid ko na.

"Katulad ng sinasagot ko lage diyan sa tanong mo, aaminin ko yung totoo." simpleng sagot nito at uminom ng beer na hawak hawak niya.

"Madaling sabihin." napabuntong hininga ako at napainom narin.

"Alam ko namang mahirap talaga ang sitwasyon mo— pero naman tol, hindi na kayo bata. Hindi na yan basta crush niya o boyfriend na alam mong hindi magtatagal. Four years ng boyfriend na Ry yun. Mas lalo ka lang mahihirapan at malamang, mas masasaktan."

"Malay kasi natin one day biglang magbago, biglang mawala na 'tong feelings ko sa kanya."

"Hindi ka ba nagsasawa diyan? Highschool palang tayo yan na ang sinasabi mo. Nawala ba? Nagbago ba?"

Hindi na ako sumagot at tumahimik nalang.

"Sige ganito nalang, since hindi mo naman yata kayang aminin yang feelings mo sa kanya, try mong layuan lang muna. Lage kasi kayong magkasama. Yung attention mo nasa kanya lang lage. Maiinlove at maiinlove ka talaga dun."

"Kanino siya maiinlove?"

Napalingon kami bigla ng may narinig kaming familiar na boses.

"Quinn? Nandito ka na pala? Ba't hindi ka nagtext?" tumayo ako at humalik sa cheek nito pagkatapos ay inayos yung uupuan niya. Siya lang naman ang bestfriend ko at TLOML ko daw. As in the love of my life sabi ni Kris.

"Maliit naman ang bar na 'to, ang dali niyo lang hanapin. Sino pala ang pinag-uusapan niyo? Sobrang seryoso ng mga mukha niyo."

"Wala! Napanood niyang movie. Ewan ko diyan!" pagsisinungaling ko.

"Oo yung movie. Sobrang affected ako kasi hindi happy ending. Kawawa yung bida." pangaasar ni Kris sa akin. Inirapan ko lang ito.

"Kumusta yung lakad niyo ni— Jacob?" napakahirap talaga sa akin bigkasin ang pangalan ng boyfriend niya.

"Ayun! As usual, nauna na naman siyang umuwi sa akin. Alam mo namang napakamainipin yun."

"Hinayaan kang magtaxi papunta dito? Minsan hindi ko talaga maintindihan yang boyfriend mo. Napaka—"

"Relax na. Hayaan mo na yun. Hindi ka na nasanay." awat sa akin ni Quinn.

"Hindi talaga ako masasanay sa attitude niya!" nakakabadtrip! Ito namang si Quinn, hindi ko alam kong anong nagustuhan niya dun. Kung hindi siya iiwan kung saan saan, kung anu anong napakababaw na dahilan naman ang maisip para mag-away sila.

"Ry, kelan mo pala kami ipapakilala ni Ice kay Jacob? Hanggang sa Facebook nalang ba namin siya makikita?" tanong ni Kris.

"Hmm kayo? Kelan niyo gusto?"

"Wag na!" irita kong sagot.

"Narinig mo ha? Ayaw ni master." biro ni Quinn.

Simula nung naging magkaibigan kami, sa dami ng ex niya, never pa siyang nagpakilala ng pormal sa akin ng boyfriend. Pareho kasi kami na ayaw nahahati yung attention namin sa friends and special someone namin. No big deal naman talaga kung may ipakilala siya sa akin— dati. Promise maiintindihan ko, pero ngayon? Okay na sa akin ang ganito. Kasi to be honest, hindi ko alam kung anong magiging reaction ko once ipinakilala niya na sa akin ng personal si Jacob. Feeling ko kasi kapag nangyari na yun, siya na talaga yung the one ni Quinn. Ang hirap lang tanggapin kasi she deserves someone better.






P A N S A M A N T A L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon