ix

1.5K 133 15
                                    

"Bride, tingin lang sa kaliwa. Wag kang gagalaw."

Nasa Zambales ako at ang iba pang staff ng production para i cover ang isang beach wedding.

"Isa pa! Nakatalikod tapos dahan dahan titingin sa camera. Okay?"

Tumango si bride.

"Sige lakad ng konti tapos tingin." sumunod naman si bride sa instruction ko.

"Alright! Galing ni ma'am!" komento ng isang staff.

"Ton, patawag naman yung mga bridesmaids."

"Okay captain!" sumunod naman agad ito.

Habang hinihintay yung mga susunod na kukunan, napagala ang mga mata ko para hanapin yung assistant ko pero hindi ko ito makita. Saan kaya nagsusuot yun?

Pagkatapos ng shoot at i cover ng mga kasama ko yung ibang scenes, pumunta na agad kami kung saan gaganapin yung seremonya at doon ko nadatnan si Quinn at may kausap ito.

"Kanina pa kita hinahanap." singit ko na kinagulat niya.

"Sorry hindi na ako nakapagpaalam. Busy ka kasi. Ayokong makaistorbo."

Bahagya akong napatingin sa lalaki at bumalik din agad kay Quinn.

"Wag kang lalayo baka kailanganin kita." medyo mataray kong sabi dito.

"Sige. Dito lang ako."

Iniwan ko na sila ng kausap niya pero napalingon muna ako bago tuluyang pumunta sa pwesto ko. Ang daming babae, si Quinn pa talaga ang kinausap! Tsss!






Pagkatapos ng halos apat na oras na kuhaan ng litrato, sa wakas, makakain narin! Hinanap ko yung mga kasama ko at nakita kong nakaupo sila sa bandang dulo. Nandun din si Quinn at mukhang wala silang balak maghiwalay ng kausap niya kanina.

"Heto na pala si Ice. Kain na!" salita ni Grace ng makita ako. Tumango lang ako. Uupo na sana ako ng mapansing walang bakante.

"Ton..." tawag ko.

"Ay sorry Captain. Dito ka na!" mabilis itong tumayo.

"Hindi dito na! Sorry. Sayo naman talaga 'to. Nakiupo lang ako." tumayo yung lalaki para mag give way. Mabuti naman alam mo!

"Hindi okay lang. Dito nalang ako." sagot ko ditong nakangiti pa talaga. Malamang hindi naman ako pwedeng mag-attitude at ipakitang naiirita ako sa kanya.

"Humanap ka nalang Ton ng extrang upuan." sabi ko kay Anthony. Tumango lang ito at nanatiling nakatayo sa likuran ko.

"Kumain ka na?" tanong ko sa best friend ko.

"Hindi pa. Nakakahiya naman na mauna pa ako sayo. Wala na nga akong ginawa dito." nahihiyang sagot nito sa akin.

"Okay lang yan ma'am Ry, ganyan ako dati. Pero kapag natutunan mo na lahat, uutos utusan ka na nilang lahat." hirit ni Tonton kaya natawa kami.

"Grace nagrereklamo na." salita ko.

"Hala hindi ah? Simasabi ko lang naman. Ibig sabihin naman nun, natututo ka na kaya nauutusan ka na."

"Mabuti naman. Akala ko gusto mong maglakad pabalik ng Manila." -Grace

"Tara kain na tayo!" yaya ko kay Quinn.

"Ice si Liam nga pala, cousin siya ng groom."

Matipid ko lang itong nginitian.

"Ice... best friend ko." pakilala naman nito sa akin.

"Liam! Nice to meet you Ice!" nakangiting inabot nito yung kamay niya. Kahit labag sa loob ko, sige nalang.

"Kain muna kami ha?" paalam ko after kong makipagkamay.

P A N S A M A N T A L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon