vii

1.6K 119 20
                                    

Gulat na gulat siya ng makitang ako yung nag-hi hanggang sa biglang napakunot ang noo nito at palipat lipat na tumingin sa amin ni April.

Hindi ko na maintindihan yung mararamdaman ko. Para akong masusuka sa kaba dahil hindi ko alam kung paano magpapaliwanag sa kanya.

Naputol yung katahimikan namin ng biglang tumawa si Tatay.

"Hay naku! Tsk!" parang nangaasar ito na tumingin sa akin at tumayo sa kinauupuan niya.

"Tumigil ka nga Ronaldo!" saway ni Nanay.

"Bakit? Wala naman akong ginagawa."

"Magkakilala naman kayo diba?" tanong ni Nanay kay Quinn pagkatapos ay tumingin kay April. Yun nga problema jusko!

"Ah hindi po." nahihiyang sagot ni Quinn kay Nanay at panakaw itong tumingin sa akin ng nakakamatay.

"Hindi ba?" -Nanay

"Actually parang... Avery right? Best friend ni Ice?" sagot ni April.

"Ah yeah— yes!"

"I'm April, Ice's friend?"

"Nice to meet you... April." fake smile at yung April halos ibulong nalang niya.

"Tahimik ka anak?" biglang singit ni Tatay. Nakakainis din 'to eh!

"Upo ka muna, inom lang ako. Ikaw?" tanong ko kay April.

"Okay lang ako. Yung meryenda." tukoy niya sa dala namin.

"Ako ng bahala." sagot ko dito pagkatapos ay tumalikod na at saktong mata sa mata talaga kami nagkatinginan ni Quinn.

"Ah..." wala akong masabi. Sobrang ang sama ng tingin niya sa akin.

"Tubig?" para akong timang.

"Hindi na! Salamat!"

"Na may ice?"

Bigla akong tinalikuran nito na parang iritang irita.






"Nay, Tay, uwi na po ako." rinig kong sabi ni Quinn habang nasa kusina ako kaya mabilis akong naglakad pabalik ng sala.

"Ha? Dito ka ng maghapunan. Saglit maghahanda na ako." mabilis na nagtungo si Nanay sa kusina.

"Hindi na po Nay! Wag na po kayong magabala!"

"Dito ka na kumain Ry. Minsan nalang tayo magkasama sama." salita ni Tatay.

"Oo nga!" hirit ko pero hindi man lang niya ako pinansin.

"Sige po." wala itong nagawa kundi bumalik sa kinauupuan niya.

"Vilma! Pupunta muna ako sa bakery. Iwan ko kay Beth yung susi para siya na ang magsara." paalam ni Tatay pagtapos ay tumayo na.

"Sige!" sigaw ni Nanay.

Naiwan kaming tatlo sa sala. Si April na nakaupo sa sofa, si Quinn sa one seater at ako na nakasandal malapit sa may hagdanan.

"By!" tawag ni April sa akin. Nagkunwari naman akong walang narinig. Jusko 'wag ka munang mag By.

"By!" tawag niya ulit.

"Ha? Ako ba?"

"Sino pa ba?"

"Sorry! Ano yun?"

"Showing na pala yung Avengers. Nood tayo bukas?"

"May shoot ako diba?"

Si Quinn tahimik lang at busy sa cellphone niya.

"Sa Sunday?"

P A N S A M A N T A L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon