xvi

1.5K 72 19
                                    

"Nakakairita yang anak ni Mrs. Yu!" yun agad ang himutok ko pagdating na pagdating namin sa condo.

"Ano na naman bang nangyari?" tanong ni Quinn at nilapag ang bag niya sa sofa.

"Maganda ka daw. Totoo naman pero di ba? Kaharap niya yung girlfriend. Kahit hindi natin sabihin sa kanya, hindi naman siya ipinanganak kahapon para hindi niya mapansin na may relasyon tayo!"

"Sinabi niya yun?"

"Kunwari yung bar pero sino bang niloko niya?" naiirita talaga ako sa lalaking yun.

"O siya tama na. Maiistress ka na naman niyan. 'Wag mo nalang pansinin."

"Kahit ayoko, mahirap!"

"Pahinga na tayo Ice, pwede? Marami pa akong aasikasuhin bukas." halatang di niya ginagawang issue o sabihin nalang nating wala lang sa kanya yung pinagsasasabi ko. Pagod siya kaya naiintindihan ko yun lang, mahirap sa parte ko.

"Sige mauna ka na." sagot ko dito at umupo sa sofa.

"Hindi ka pa ba inaantok?"

"Maya maya." tipid kong sagot dito.

"Sige. 'Wag ka ng masyadong magpupuyat, may trabaho ka pa bukas." salita nito bago tuluyang pumasok sa kwarto. Ako naman naiwan sa sala.

Ang hirap naman ng ganitong sitwasyon. Ayokong maging selosa dahil hindi yun healthy sa isang relasyon pero hindi ko mapigilan lalo na't alam kong gusto siya ng tao tapos mukhang mapapadalas pa ang pagkikita nila since anak nga siya nang owner ng building.





Kinabukasan, gustuhin ko mang samahan siya, hindi pwede dahil may trabaho rin ako kaya naman paminsan minsan ay lumilipad ang utak ko. Halata rin na hindi maganda ang araw ko dahil napakatahimik ko.

"Kapitan!" tawag ni Tonton sa akin habang hinihintay namin yung client na inaayusan. Tinanguan ko lang ito.

"May problema ba tayo Kap?"

"Ha? Wala naman." walang kagana gana kong sagot.

"Di nga? Ba't ang tahimik mo?"

"Hindi na ba ako pwedeng maging tahimik?" ang kulit din ng lalaking 'to.

"Hindi naman sa ganun Kap pero nakakapanibago lang."

"Wala nga." napatitig na naman ako sa kawalan.

"Hmm problema sa puso yan 'no?"

"Wala nga! Ang kulit mo! Bumalik ka na nga dun."

"Sus! Si ma'am Ry ba?"

Hindi ako makasagot.

"Sabi na may gusto ka sa best friend mo eh. Halata naman. Ano bang ginawa? Binasted ka?"

"Binasted? Anong pinagsasasabi mo? Mali lang ang gising ko." kahit gusto ko man i share sa kanya yung tumatakbo sa utak ko, hindi pwede. Gusto ko malaman muna ng pamilya ni Quinn yung tungkol sa amin bago ako maging open sa lahat tungkol sa relasyon namin.

"Sige okay lang kung ayaw mo talagang magkwento. Basta Kap, kung mahal mo, ipaglaban mo!"

Napangiti ako kahit papaano. Para kasi siyang host sa isang show.







Maagang natapos yung shoot ko kaya naman naisipan kong daanan at i surprise si Quinn dahil ang pagkakaalam nito, gagabihin ako. Pero ako yata yung na surprise nang papasok na sana ako sa bar niya ay nakita ko kung sino yung katawanan niya. Nagliligpit na ng mga gamit nila yung dalawang karpentero habang si Quinn at Gael ay nakaupo at masayang nag-uusap. Sa sobrang selos ko, gusto kong hindi na tumuloy at umalis nalang pero nakita na ako nang isang karpentero at ngumiti ito sa akin. Doon narin naglingunan yung iba. Halatang nagulat naman si Quinn. Tumayo ito at binuksan yung pintuan.

P A N S A M A N T A L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon