x

1.7K 133 24
                                    

Tahimik lang akong pumasok sa unit niya habang siya naman nakaupo sa sofa at busy sa cellphone niya.

"Kukunin ko lang yun mga gamit ko." nagaalangan kong sabi dito.

"Kelan pa?" tanong niyang hindi tumitingin sa akin. Napakunot naman ang noo ko.

"Ha?"

Dahan dahan itong lumingon sa akin. 

"Kelan ka pa nagkagusto sa akin?" seryoso niyang tanong.

Napako ako sa kinatatayuan ko sa narinig. Yung akala mong madali lang sagutin na tanong pero kapag ikaw na yung nasa sitwasyon, hindi mo na alam ang sasabihin.

"Wala naman akong sinabing gusto kita." pagdedeny ko. Naunahan na agad ako ng takot.

"Pwede ba Ice? Once and for all, maging honest ka naman?" sabi nito habang nakatingin sa mga mata ko. Kitang kita ko yung frustration sa mukha niya.

"Quinn kasi—"

"Narinig kita that night nung sinabi mong what if magugustuhan mo ako tapos ngayon naman nagseselos ka. Don't tell me na normal lang yun dahil best friends tayo?"

Wala akong masabi. Parang biglang nanuyo yung lalamunan ko.

"Ano? Tatahimik ka nalang diyan?" tanong ulit nito sa akin.

"Sorry... hindi ko naman talaga sinasadya." wala narin naman akong choice kundi sabihin yung totoo.

"Kelan pa nga?!"

"High school palang tayo." halos pabulong nalang yung pagkakasabi ko dito.

"Oh God!" napahilamos ito ng mukha niya.

"Sorry pinigilan ko naman."

Hindi na ito sumagot at nanatiling nakayuko lang.

"Quinn, promise hindi ko naman gustong mangyari ang lahat ng 'to kaya nga pinilit kong i let go yung feelings ko sayo. Alam ko kasing mali. Natatakot akong mawala ang lahat kapag sinabi ko sayo ang totoo." paliwanag ko at yun din naman ang totoo.

"Ice sana sinabi mo man lang."

"Alam mong hindi yun ganun kadali."

Napasipa ito ng mga paa niya na parang bata at parang naiiyak kaya nilapitan ko na ito at umupo sa tabi niya.

"Sorry." sabi ko ulit sa kanya.

"Nakakainis ka! All this time akala ko— arrgghh!!!" sabi nito na parang nanggigigil. Ba't parang nababaliw 'to? Iba yung iniexpect kong magiging reaction niya. Akala ko sasampalin niya ako o di kaya pagsasabihan ng masasakit na salita.

"Ba't mo sinagot si John kung ako pala yung gusto mo?" naiinis na tanong nito sa akin.

"I was hoping na kapag nagka-boyfriend ako, ikaw naman yung magseselos pero napaka-imposible pala nun." mapait pero totoo.

"Sigurado ka ba diyan?!" naiiyak na tanong nito sa akin.

"Ano bang—"

"Nakakainis ka! Nakakainis ka!" pilit niya akong pinapalo, ako naman salo ng salo sa mga hampas niya.

"Kaya nga sorry na. Hindi ko naman ipipilit yung hindi pwede. Okay na naman sa akin na best friends lang tayo. Matagal ko ng tanggap."

"Best friends lang. Hindi pwedeng mag best friends lang kung pareho kayong may feelings sa isa't isa!"

Wait! Parang iba yung rinig ko.

"Parehong may feelings?" inulit ko dahil hindi ako sigurado kung tama ang rinig ko.

P A N S A M A N T A L ATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon