Chapter 5:Levelling of Thrones ♔️♚️
***
Ezra Pov
The Levelling of Thrones will be held today.
Eto ako, medyo kinakabahan. Malamang sa alamang, eh first time ko eh. Limang araw na yung nakalipas mula noong nahimatay kami ni Aimee. Kagigising niya lang kahapon at narinig ko na okay naman daw siya. Marami narin ang nangyari.
Can I do this? I hope so...
'Of course, you can. ' sabi ni Gretel sa aking isipan. Oo nga pala, meet Gretel. She's a friend of mine that I've seen in my dreams and I couldn't believe that she's actually existing. And she's actually a dragon, a lovely dragon. At first sight, she's a fearsome. But when I actually met her, she's very tender and kind.
Tyaka nalaman ko rin na hindi lang Water ang napo-possess ko, it's 7 elements. Kagabi ko lang din napag-alaman. Nakakatuwa nga eh, halos di ako makapaniwala. But I also started questioning myself, bakit kaya kong i-summon ito?
'Thank you, Gret,' pag papasalamat ko sa pamamagitan ng aking isipan.
'Tinuruan na kita. Just remember that don't ever use the 7 elements.' paalala sa akin ni Gretel. I mentally nodded.
Lumapit naman sa akin si Ma'am Nixie. Ma'am Nixie has a short straight hair and a sexy figure. Mas dumadagdag sa ganiya niya ang kulay kayumanggi niyang mga mata at makinis na balat. Para sa isang teacher na ang tinuturo ay more on weapons, hindi ako nakakakita ng galos o peklat sa katawan niya. She really looks flawless.
"Ms. Valencia, may weapon kana ba?" Bumalik naman ako sa huwisyo nang marinig ko ang tanong niya. I shook my head.
She mouthed na sumunod daw ako sakaniya kaya sumunod ako.
Malamang, good girl ako.
Pumasok kami sa isang napakalaking bulwagan kung saan isang napakalaking pinto ang nandoon. Nag chant si Ma'am Nixie ng spell pero di ko naintindihan yun.
Bumukas naman ang napakalaking pintuan at pagpasok namin dun ay lalo pa akong namangha.
Kung malaki yung sa labas, mas triple pa ang laki dito sa loob.
Ang dami ring weapons dito. This must be the place where weapons are being kept.
"Pumili kana," sabi ni Ma'am Nixie.
I roamed my eyes around. Napakaraming weapon at lahat ay nakakatakot hawakan kung ikaw ay simpleng tao lamang. I stopped at the weapon beside the shurikens, I saw the katana. Lumapit naman ako dito, ito kaya 'yung biggest frustration ko. Gustong-gusto ko i-master pero ang hirap.
Nung hahawakan ko na iyon ay nagulat nalang ako ng bigla akong mapaso dito kaya napahawak agad ako sa aking hintuturo.
Sinulyapan ko si Ma'am Nixie. "Ma'am, why?" I asked her.
"Kung napaso ka it means that weapon is not for you." Pag e-explain niya.
So, ba't ako pa yung pinapili ni Ma'am Nixie kung the weapon will just choose its own owner?
Napapikit pa ako saglit dahil sa sa kirot na naramdaman ko. When I checked my fingers, it's bleeding. Nakita ito ni Ma'am Nixie pero hindi niya pinansin. Buti na lang, nakakahiya na isipin niyang nasasaktan ako sa maliit na sugat na 'to.
While still holding the wounded finger, nakuha ng weapon na nasa gitna yung atensiyon ko. It's shining because of the light that reflects on its gold metal.
"That's the LG Scythe, The Legendary Golden Scythe." Wika ni Ma'am Nixie nu'ng napansin niyang napatitig ako rito.
Lumapit ako dun. Gusto kong hawakan yun kaya tumingin ako kay Ma'am Nixie. Ngumiti naman siya sabay tango, "Marami ang sumubok humawak diyan. Lahat ay bigo rin at malaki ang sugat na naidudulot nito, I don't wanna add extreme pain on your fingers again. But it's up to you."
YOU ARE READING
Cleytara Academy [Completed]
FantasyMarami siyang matutuklasan, mapagdaraanan, malalaman at hindi niya alam, na siya ang tatapos sa kasamaan. But in order to get rid of darkness, what are you going to sacrifice? What are you going to do? Who must be the ally and who must be the foe? ...