Chapter 68: Closing Remarks

2.3K 97 1
                                    

Chapter 68: Closing Remarks

Aqua POV

"I would like to thank and acknowledge the presence of our visitors and guests for the whole booth week, especially Head Ministers who guide everyone to be better each day." Ngumiti si HM. "And of course, this booth event wouldn't be successful without your cooperation and support. Around of applause for yourselves for a wonderful event well done." Nagsipalakpakan kaming lahat. Pero bakas ang lungkot sa aming mga mata.

Parang may kulang eh... may kulang naman kasi talaga. Hindi pa din gising si Ezra. Ngunit umaasa kami na gigising siya, hindi kami nawawalan ng pag-asa.

"Again, Thank you and Congratulations." Umalis na si Headmistress at nagsilakpakan ulit kami bago umalis ng Hall.

Dumeretso kami sa cafeteria.

"Buti nalang tapos na 'yung booth week. Nakakapagod sa dami ng costumer eh, pero enjoy naman. Sobra!"

"Sobrang saya nga, lalo na 'pag student's time na, geezz! Nakadate ko pa nu'n si Ireo eh! Ang gwapo pa naman niya!"

"Mas gwapo si Brake 'te."

"Diba pareho silang may gusto kay Ezra?"

"Yep. Ang swerte niya nga eh."

"Speaking of, hindi pa rin daw nagigising si Ezra."

"Talaga? Nakakaawa. Sana magising na siya 'no?"

"Mmm, sana nga."

Rinig naming usapan ng dalawang estudyante.

Sana nga, sana.

Ramdam na ang lungkot sa buong table namin pero pilit pinapasaya ng bawat isa.

"So, kailangan nga 'yung Coronation?" Tanong ni Bubbles kay Thalia.

"Hindi rin sinasabi sa akin Ash, pero one of these days ia-announce na." Nakangiting wika ni Thalia.

"Masaya kami for you."

"Uy! Bubbles and Deralm!" Tawag ni Threa sa atensyon ng dalawa.

"Oh? Bakit?" Sabay na sagot nila.

"Hindi niyo sinabi sa aking kayo na pala ha!" Nang-aasar na wika ni Threa.

Kahapon lang naging official si Bub and Deralm. Sila lang din ang nakakaalam nu'n pero since kapatid ko si babaitang Bubbles, kinwentuhan niya ako. Naunahan pa ako ng gagang magka-lovelife.

"Hindi mo rin naman sinabi sa amin na nililigawan ka ni Charles, ah?" Pilosopong sagot ni Deralm.

Tinignan ko si Threa, "Totoo?!" Tinignan ko si Charles, "Ikaw ah! Luma-love life kana palang yelo ka. Parang dati lang kung sino-sino kinikindatan mo."

"Hahaha, pero ngayon, pangakong kay Threa nalang kikindat ang aking napakagandang mga mata." Hirit ni Charles, namula naman si Threa.

"Akalain mo 'yun? Nagkatuluyan kayo. Parang dati lang din mga aso't pusa kayo." Natatawa kong sabi.

"Akalain mo din 'yun? Nililigawan ka din ni Airox? Parang dati lang sinusungitan mo pa 'yan." Namula ako sa sinabi ni Threa. Hmp!

"Uyy, si Aqua bebeloves, kinikilig sa isang gwapong tulad ko ayieee!" Eto na, humirit na si Airox.

"H-hoy! Hindi a-ah!" Depensa ko.

"Aysus, in denial pa. Di bale, mahal naman kita."

"Ayieeeeeeeeee!" Tilian nilang lahat. Mga siraulo.

Cleytara Academy [Completed]Where stories live. Discover now