Chapter 12:Wake up

21 0 0
                                    

Aurille's POV

Napamulat ako ng maaninag ko ang sikat ng Araw. Naramdaman ko na nakahiga ako sa malambot na kama. Nasan ako?

Agh! Ang sakit ng katawan ko!

Bakit ako andito? Bakit may nurse? Kala ko ba eskwelahan yung pinasok ko?

"Nurse ng school clinic.Stupid" sabi ni Ano, Guess who? Sino pa ba ang kayang makabasa ng isip?
Pinilit ko nalang na bumangon ngunit bumagasak parin ako sa kama, Hindi ko kaya ang kirot ng katawan ko.

"Mag pahinga ka muna." si Zed

"Bakit ba ako andito? Anong nangyari?"

"Aba't ewan namin, Basta dinala ka lang dito." Ang sungit ni Val. Inirapan niya lang ako pero di ko na pinansin.

S-Si Keisha? Nasan siya? Wala manlang ba siyang pakialam sa dormate niya?

"Nahimatay siya dahil sayo. Titingnan ko muna siya." Sagot ni Val sa tanong sa isip ko. Paano ba ipad lock ang utak para hindi niya na mabuksan? Nakita kung bumukas ang pintuan na binuksan ni Valerie saka ito lumabas.

Pero si Keisha?! Nahimatay ng dahil sa akin? Papaano at bakit?

"Mamaya ko na ipapaliwanag." Aniya ni Zed. Parang may kakaiba sa kanya pero hindi ko maipaliwanag kung bakit? Hindi siya mapakali na ewan.

"Magpahinga ka muna."

"Sige, Salamat."

"Sa alin?" tanong neto >. < bakit ko ba yun nasabi?

"Kasi ano.. Ano. Salamat kasi binantayan mo ako!"

"No worries." Si Zed. Humiga nalang ulit ako dahil baka kung ano pa ang masabi ko. Bakit ba kasi ako nandidito?

Agh! Ano ba kasing nangyari? bakit ako nandito? Tsaka bakit nahimatay si Keisha dahil sa akin?. Hindi naman ako detective para lusatin yan eh noh. Tsk. Ayaw namang sagutin ni Zed.

Pinikit ko nalang pareho ang mga mata ko dahil siguro nakakaramdam na ako ng panghihina.

"Kukuha lang ako ng pagkain."

"Sige." bulong ko at ini-iling ang ulo ko para tingnan si Zed pero wala na ito sa paningin ko na parang bula na nawala.

Ang bilis naman niya!

Lumingon lingon ako ngunit wala na akong nakitang tao. Bumuntong hininga ako bago isipang tumayo na. Medyo nakakabawi narin ako ng lakas. Gusto kung makita si Keisha.

"Miss! Nurse?"

"Ano pong kailangan nila?" Tanong ng lumapit sa akin na nurse.

"Nasan pong kwarto dinala yung nahimatay na taga Royal Class?"

"Ahh. Si Keisha po ba? Nasa kabilang kwarto siya." Pinoint niya ang isa niyang daliri patungo sa isang kwarto. Agad akong ngumiti rito. "Salamat."

Agad akong nagtungo sa Kwarto na itinuro sa akin ng nurse.

Pipihitin ko na sana ang door knob nito ng bigla itong bumukas ng mag isa. May bumukas dito mula sa loob ng kwarto.

Tumambad agad sa akin ang maamong mucka ni Keisha na siyang nagbukas ng pintuan.

"OMO! Aurille! Gising ka na!" Masiglang bati niya na siyang nagpangiti sa akin. Kala mo kung ako lang yung nahimatay. Eh ang sabi sa akin ay nahimatay rin siya.

"Ano bang nangyari?" Tanong ko dahil baka alam neto.

"Hindi ko alam, Pero siguradong si fafa Zed alam niya. Nasan na ba siya?"  Si Zed? Hindi parin bumabalik hanggang ngayon.

"kumuha raw ng pagkai---"

"Hey" Speaking of him. Dumating na siya na may bitbit na pagkain.

"Bakit ka umalis agad? Kailangan mung magpahinga muna" Sambit niya sa akin at umiling lang ang isinagot ko.

"Okay na ako."

"Sa loob na tayo mag usap." Anyaya ni Keisha kaya sa pumasok nalang kami. Pagkapasok namin tumambad agad sa amin ang King- Sized bed pero mas nakatuon ang atensyon naming lahat kay Valerie na mahimbing na natutulog sa Sofa malapit sa kama.

Para siyang maamong pusa kapag natutulog siya pero kung gising ito para namang tigre.

nakita ko ang pasimpleng pagngiti ni Zed kaya napangiti rin ako. Napapansin kung may gusto siya kay Val.

Umupo si zed katabi ni Val at kami naman ni Kei ay umupo sa isa pang sofa.

"So ano ba talagang nangyari Zed?bakit ba ako nahimatay kanina?" Si Keisha.

"May hinala na ako pero hindi ako sigurado, Kinausap ko na si Sir.Mark tungkol dito."

"At ano yun?"

"Si Aurille, hindi umeepekto ang mga kapangyarihan natin sa kanya, Maaring nakuha niya ang Armalite magic o...."

"O? Ano ba yan Zed, binibitin mo eh!" Maktol ni Keisha. Wala lang akong imik at patuloy na nakikinig kay Zed.

"Pero.. Hindi ko na sigurado iyon."

"Amen. Ano ba yan!Eh bakit ako nahimatay kanina nung pinagaling ko yung sugat ni Aurille?" Nagulat ako sa sinabi ni Keisha, Sugat? Nagkaroon ako ng sugat? Paano? Saan ko iyon nakuha?

"Ang Armalite magic at ang isang magic na kaya pang gumawa noon ay kayang tanggalin ang epekto ng kapangyarihan natin sa sarili niya pero may ibang magic na pwedeng umepekto sa kanya katulad nalang ng Wound magic na taglay ni Keisha. Gumana toh sayo pero ang taong gumamit dito ay pwedeng manghina. Kaya ka nahimatay, Kung ginamit mo ang kapangyarihan mo sa kanya at umepekto ito ay tuluyan niya ng hihigupin ang enerhiya mo."

Natigilan ako. K-Kung ganon ay yuun ang Craft ko?! Ang galing pero sabi ni Zed ay hindi niya iyon sigurado. isang minuto ang dumaan bago magsink in sa utak ko ang mga sinabi nito.

"A-Armalite Ma-magic?"

Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Sir.Mark.

"S-Sir."

.

.

itutuloy...

Craft Academy:The School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon