Chapter 9: The Power Of Music

25 0 0
                                    

Ano bang nangyayari?

.

"Val?" Tanong ko kay Val na nakahilata na sa sahig at takip takip nito ang kanyang mga tenga pati rin si Zed. KIinalibutan ako at muling hinanap si Keisha na nakahilata na,nakatakip pa ang mga kamay nito sa dalawa niyang tenga.

.

"Keisha!" Lumapit ako sa kanya.Gosh ! Ano bang nangyayari.

.

"P-pigilan mo sila A-aurille." tinuro nito ang babae at lalaking nag aaway tungkol sa Rock at Calm music. Naririnig ko ang malakas nilang mga sigawan pero bakit ganon?

.

lahat sila nakahilata na pero bakit hindi ako? ano bang nangyayari?

.

"waaaaàaaaaaaaaaaaaah!!!"

.

Mas lumakas ang sigawan nila kaya napahakbang ako ng marinig ang maraming pagkabasag muli ng mga salamin at mga bagay sa Cafeteria.

.

Nanliit ang mata ko ng may nag sink in sa makitid kung utak. Yung boses nila!! Kaya pala pinapapapigil sa akin ni Keisha ang dalawa. Ano ba ang dapat ko ng gawin?

.

Lumapit ako sa Dalawang nag aaway at pinaglayo ang mga ito pero---Sh*t ang lakas nila. "Tama na pleasee!!"

.

"T-Tumigil na nga ka----" Napahinto ako ng makita ko ang babae. Napailing ako sa takot habang pinagmamasdan ito na lumulatang na, Nararamdaman ko ang kakaibang Vibration sa paligid. Ano ang gagawin ko?pati ang lalaki na kaaway nito ay ngayon nakalutang narin.

.

Kakaiba ang kulay ng mga mata nilang dalawa ang kaninay brown ay ngayon ay kulay pula na. Naramdaman ko ang pag hawak ni Val sa kamay ko kaya nagulat ako sa ginawa niya.

.

"P-pigilan mo na s-sila!!S-S-Stupid k---- Argh!" Napabitaw siya sa akin at tulyan ng napahilata, wala na akong nagawa kundi ay lapitan siya. Natatakot ako. Pano ko ba sila pipigilan? Ano bang pwede kung gawin? Napasinghap ako at sinimulan ng ibuka ang bibig ko.

.

"Tu-----"  napatakip ako sa bunganga ko ng makita ko na bumagsak ang babae pati yung lalaki. Ano bang nangyari? Patay na ba sila?

.

Nakita kung unti unting nagsitayuan na lahat ng mga nasa cafeteria pero hawak hawak parin nila ang mga tenga nila.

.

Ang iba ay lamalabas na sa cafeteria at may mga iba na nakahilata na sa sahig. N-nakakatakot! buhay pa ba sila?

.

" Ang sakit nun ah!" bulyaw ni Keisha.

.

"Agh! Pangalawa nang nagyari toh!"

.

"A-Ano ba kasing nangyayari?" tanong ko pero nagsisi rin lang ako dahil irap lang ang sinagot sa akin ni Val.

.

"Power of music, The Fifth most dangerous types of magic in whole world.Kung hindi sila nahimatay siguradong natulad na tayo sa nangyari noon." Bulong ni Kei habang kinukutikot ang mga tenga nito. Nangyari noon?

.

"Keisha !!"

.

"Waa! bat ka ba nakasigaw Val ha?! sirang sira na nga tenga ko sisirain mo pa" Sinamaan lang siya ni Val. T-teka? Yung dalawa! tska si Zed bigla nalang nawala.

.

"Nasan na sila?! Si Zed?!" Natatarantang tanong ko bago ko simulang maglakad para hanapin sila pero bago pa ako makalad. I felt someone grab my hand..

.

"Don't you worry Aurille, Dinala na ni Zed yung dalawa sa Clinic." Ang bilis naman?! Ang higpit parin ng hawak sa akin ni Val. A-Ano bang problema niya nanaman?

.

"Pano mo yun nagawa." Tanong ni Val na nagpakunot ng noo ko.
"Ang alin?"

.

"Hindi ka na apektuhan, Lahat ng mga tao dito naapektuhan ng Craft ng dalawa pati kaming mga taga Royals pero Ikaw?Ano ba talagang Craft mo ha?!"

.

"Hindi ko alam." Pilit kung hinihila ang kamay ko dahil masakit na talaga.

.

"Hindi ko alam kung pano ko iyon nagawa. Hindi ko talaga alam"

.

Hindi na ulit nagsalita si val pero nanginig ang tuhod ko ng makita ko ang pag iiba ng kulay mata ni Val. Ang kaninay Itim ay naging kulay abong mata.

.

"Val,Tama na! nagsasabi siya ng totoo." Sigaw ni Keisha saka hinila si Val mula sa akin.
"Tsk,Sana nga nagsasabi ka ng totoo sa akin."

.

Bakit naman ako magsisinunglang sa kanila? Kakikilala ko lang sa kanila na hindi ko kayang magsinungaling at isapa isang baguhan magsisinungaling sa katulad nilang taga Royal class?  Tsk.

.

I look at the cafeteria's door when a group of people came out there. Naka puti silang lahat at isa isang dinala ang mga naapektuhan na mga tao sa cafeteria. Para itong mga nurse ngunit kakaiba ang mga sout nito. Ang bawat sakanila rin ay may sout na face mask.

.

"Ipaparating ko to kay ma'am Sylvia." sambit ni Val at agad na umalis. Padabog pa nga ito eh.Ano ba talagang problema niya sa akin?

.

"Okay ka lang Aurille?" Lumapit sa akin si Keisha at chineck lahat ng parte ng katawan ko. "O-Okay lang ako Kei."

.

"Parang hindi."

.

"Ayos nga lang ako." Pagpupumilit ko, Ni hindi nga manlang ako naapektuhan dun eh.

.

"Ganoon lang talaga ugali ni Val kaya pag pasensyahan muna." Halata nga eh. Tumango nalang ako at ngumiti para makitang naiintindihan ko.

.

"Tara na Aurille, Wala pa namang tao sa dorm." Anyaya niya sa akin na ikina tango ko lang.

.

Nakapunta agad kami sa dorm dahil medyo may kalapitan sa Cafeteria. Naramdaman kung kumalam yung sikmura ko. Tsk, Hindi nga pala ako nakakain.

.

Kumain muna kami ni Kei bago namin naisipang matulog na.

.

Dumaan pa ang mga araw pagkatapos nun, hindi na ulit kami nagkikita nila Val at iba pang mga taga Royals,One week narin ang dumaan bago magsimula ang klase. Nakakakaba naman pero okay lang ako. Nasanay narin ako sa school, minsan nga nakadaan ako sa classroom ng Royal Class. Tsk

.

Kala ko ang mga taga Royal class ang mga malalakas at isa sa mga mababait na tao dito dahil sa ipinakita sa akin ni Kei na pagiging baliw.

.

pero yung nangyari kanina? Alam ko na!

.

Mapanganib sila...






itutuloy...

Craft Academy:The School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon