Chapter 16:Armor

15 0 0
                                    

Aurille's POV

"You can now choose... Sword or dagger?"

Lahat kami parang naistatwa at halos lahat ay tulala. napahalakhak nalang ako kasi yung isang nakatulalang kaklase ko is nakanganga at muntikan ng pasukan ng langaw ang bunganga niya. Haha xd.

"Hey!Class? Ganyan ba talaga ang magiging reaction niyo?"

"So all of you choose your armor here or in Armor room ng Class-C at kung nakapili na kayo ay kailangan niyong pumunta sa training ground ng Class-C." Sabi ni miss K at umalis na agad at siguro pumunta sa training ground ng Class C, Ng classroom namin.

Dito daw kasi may sarisariling pagmamay ari ang bawat classroom. Armor room, Training room, Training ground at iba pa.

"Tara na Aurille, Pipili pa tayo . Wahaha excited na ako." Anyaya ni Luna kaya pumayag nalang ako. Excited? Parang hindi. Hindi ko nga alam kung kaya ko bang humawak ng isang patalim. geez.

"sa Armor room nalang tayo kukuha ng item." sambit ni Luna.Tumango nalang ako. "oo nalang."

Lumabas na kami at agad na dumiretsyo sa Armor room ng Class-C. Medyo may kalayuan pero nakapunta agad naman kami.

Nasa pintuan palang kami ng Armor room ng maagaw ng pansin namin ang nakasulat sa pintuan.

Class C Armor Room.
Ra Yellow!

"Luh, tara na." Sabi ko.Hindi nang pwede na boung araw lang namin titigan yung nakasulat?

Pagpasok namin sa Armor Room halos lahat kami na pumunta dito ay namangha. Madaming iba't ibang uri ng patalim ang maayos na nakadisplay sa iba't ibang sides ng Armor room. It is well fixed!

"Hwow! Magic talaga eh noh?"

"Anong pipiliin mo?" Tanong ko kay Luna pero parang wala rin naman ata siyang balak na sagutin kasi parang hindi rin naman nito narinig dahil malayo na siya sa akin at naghahanap ng armor niya.

*Sign*

Alin ba dapat? Magaganda naman lahat kaso wala talaga akong mapili. Naglibot pa ako.

Puro mga Dagger, Long sword, kakaibang knife, spear,may arnis pa at marami pang iba pero halos lahat hindi ko ata alam gamitin. Marunong naman ako mag taekwando kahit kakaunti kaso hindi iyon ginagamitan ng Armor. Tsk.

*Plaaaaag*

Shit! halos mapatalon na ako sa gulat ng magbagsakan yung mga spear na dinaanan ko. Luh, I am innocent! I did not touch anything! >. <

Nakita ko na nakuha ko ang atensyon nilang lahat. Gosh!

"Mag ingat ka nalang sa susunod." Sabi ni Six, isa sa mga classmate ko. Umiling-iling pa ito kaya ngumiti nalang ako. Hush!

Isa isa kung pinolut ang mga spear. Ilalagay ko na sana ito sa dating lalagyan niya ng mahagilap ng mata ko ang isang maliit na drawer na nakatago. I mean.... Nakatago ata siya kasi natatakpan siya ng mga spear kanina at kung hindi nagsihulugan ang mga spear na ito ay hindi ko makikita ang drawer.

Dahil siguro sa Coriousity, inilagay ko muna ang mga spear sa ibang lugar. Ibabalik ko rin naman mamaya eh.

May malakas na tunog ang ginawa ng drawer ng buksan ko ito. Tinuloy ko nalang ang pagbukas ng dahan dahan hanggang tuluyan na itong mabuksan.

I sigh ng makita ko ang laman ng drawer. Mas kakaiba ito kaysa sa mga ganto sa mundo ng mga tao.


Isang libro...


Itutuloy...






Craft Academy:The School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon