Chapter 13:Untitled

20 0 0
                                    

"S-Sir."

"You two are awake huh?" Ngumiti si Sir sa aming dalawa ni Keisha na parang natutuwa na nagising na kami sa pagkakatulog namin.

"Ano po bang nangyari?"

"You must now that Aurille, You are the victim." He said then I just shook my head saying 'no'

Honestly, wala talaga akong kaalam alam. Siguro ay nawala ang ala ala ko sa nangyari sa mga oras na iyon At ang mahirap pa nun gustong gusto ko na malaman ang nangyari.

"If that the case, Sabi ni Mothra na nahimatay kalang daw sa klase niya. Convinced?"

Mothra? Nahimatay sa klase niya? Gosh! bakit ba kasi wala akong matandaan?!

"Impossibleng nahimatay lang siya! May mga sugat siya sa palad  niya! Sabi ko na nga ba may kinalaman nanaman siguro ang ma'am na iyon" Inis na sigaw ni Kei

"Yun nga ang nakakapagtaka,  Sinubukan ko ng makipag usap sa mga kaklase niya pero ganon rin ang sinabi nila." turan ni sir. Nabaling ang tingin namin ng makita namin ang inis na pagmulat ng mata ni Val.

"Ahhhh! Ghad! Kei! Ang ingay m---Kayo pala." Inis na sabi ni Val na gulat na gulat pagkabangon niya. Sa wakas ay gising na siya. Ayan nanaman siya. I mean... May magsusungit nanaman.

"Buti at nagising kana, Binantayan mo talaga ako ah." Sakastik na pagkasabi ni Keisha pero kunot noo lang ang sinagot nito sa kaniya.

"Tsss, Hindi mo kasi deserve ang mabantayan. Hindi ka na bata."

"Kahit n----"

"S-Sandali.."Napatingin kaming lahat kay Val ng bumulong ito. may pagtataka rin ang mucka niya. Ano nanaman bang nangyayari sa kaniya?

"Anong problema?"

"Ilan tayong lahat na nandito Zed?"

"Si Keisha, Sir.Mark, Ikaw, ako at si Aurille lang.Bali Five. Bakit?" Muckang nagulat naman si Val sa sinabi niya. Oo tama si zed, Bali lima lang kaming nasa kwarto.

"Impossibleng lima lang tayo!"

"Valerie, Hindi ka na namin maintindihan." Kunot noong saad ni Sir.Mark. Kakaiba na ang kinikilos ni Val. She stood up and counted all of us.

"Anim. Oo, Anim.May anim na nag iisip sa loob ng kwartong toh kaya anim na tao ang andito! hindi pwedeng magkamali ang Craft ko!" Sigaw niya kaya muli kung binilang ang bawat tao sa loob ng kwarto. Talagang lima lang kami rito. Walang labis at walang kulang. Umalis na kanina pa ang nurse na nagbabantay kay Kei kaya talagang lima lang kami rito sa loob ng silid.

"Haha, Dika ba marunung magbilang ha?" Biro ni kei pero inirapan lang siya ni Val.

"Hindi ako nagbibiro keisha!"

"Sino ka! Magpakita ka!" Tumayo si Val para hanapin ang hinahanap niya pero katahimikan lang ang sumalubung sa kanya. Sinubukan siyang pakalmahin ni Zed pero wala rin lang nangyari.

"Tama na Val, Nananaginip ka pa yata."

"Valerie, Lima lang naman tayo dito." Saad ko. Nahihibang na siguro siya eh noh? o talagang may kakaiba na sa kaniya.

Napahakbang ako pabalik ng makita ko ang paglitaw ng isang patalim sa kamay niya. Sh*t! saan iyon nanggaling?

Mariin itong pumikit at parang rinaramdam ang paligid.

"Hayaan niyo lang siya." Utos ni Sir.Mark.  Ano ba kasing ginagawa ni Valerie? Bakit siya may patalim? hindi nalang kami umimik at nanatiling nakatitig kay Valerie na kasalukuyang nakapikit ang mga mata.

Dumaan ang katahimikan at nakatuon lang kami kay Val at hinihintay ang susunod na gagawin nito. Walang nagbalak kumilos sa amin hanggang sa binasag ni Val ang katahimikan.

"Ikaw." She pointed at the door. Hinawakan niya ng mabuti ang patalim na hawak niya at si Zed naman ay biglaang tumayo.

Sino?

Wala naman akong nakikitang tao sa may pintuan dahil lahat kami ay nasa sofa o kundi si Kama.

"Ahhh!" Nanlamig kami sa kinatatayuan namin ng biglang umapear ang isang babae at nangingisay na ito sa sahig habang nakahawak ito sa kanyang ulo. siguro ay sumasakit ang ulo nito dahil nanaman sa Craft ni Val?

Pero sino siya? Nakikinig siya sa usapan namin.

Agad na lumapit dito si Sir.Mark. Akma rin sanang lalapit kami sa babae ngunit si Val nalang ang pinigilan namin. Pano ba naman, Gustong saksakin ni Val yung babae.

"Val, Tama na." sigaw ni sir ngunit tila parang bingi si Val na hindi sumunod sa kanya. Argh! Mas pinapairal kasi ni Val ang galit eh! kaya siya parang palaging may period.

"Hush! Kung kanina pa sana siya nagpakita at hindi ko pa pwinersahang gamitin ang Craft ko!"

"Tama na Valerie, Kawawa naman siya. *Pout* " Si Kei.

Kumalma na konti ang mucka ng babae kaya sigurado akong tumigil na ang pananakit ng ulo niya. Ano ba kasing ginagawa niya rito?  Naka loose white siya na sinamahan ng black jeans. Itim na itim ang buhok nito na binagayan ng maputi nitong balat. kitang kita rin ang pilikmata nito dahil sa haba.

"Sino ka?Bakit ka andito?" Tanong ko. Tumingin siya sa akin na may halong pagngiti kaya medyo kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka. I mean... biglaan nalang siyang ngumingiti. Found it weird?

"A-alam ko lahat ng nangyari."

itutuloy...

Craft Academy:The School of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon