#5 Moon

274 4 1
                                    

[Jun Imagine] Tagalog

-

Minsan mo na bang hiniling na sana perpekto ka nalang na tao?

Nang sa ganun ay mahalin ka ng mga tao sa paligid mo?

Sana nga perpekto na lang ako.
Para naman kahit minsan maging proud yung mga magulang ko sakin.

Mahigpit na hawak hawak ko ang report card ko.

Nakatutulala na nabato ako ngayon sa aking kinatatayuan.

'I've messed up'

Yan lang ang tanging paulit ulit na tumatakbo sa isipan ko.

2nd Semester Class Ranking

11.  Y/N Lee

Uwian na at kakapaskil palang ng Ranking namin by section.

Napayuko nalang ako at bumuntong hininga.

From top 4 to top 11 real quick.
Nadi-disappoint ako sa sarili ko ngayon.

Di ko na maintain yung rank and grade ko this semester. Pero kasali parin naman ako sa with honors.

Pero alam kong bubungangaan na naman ako ni Mama at Papa.

Kasalanan ko bang naging mas mahirap ang Math at History subject ngayong semester?!

I am not that Intelligent. Masipag lang ako.

"Y/n! Bes! Anyare sayo? Bakit bumaba ka?" nag-aalalang tanong sakin ng kaibigan ko.

"Di ko na alam bes" ayun lang ang tanging nasabi ko at hinigpitan ang pagkakahawak sa strap ng bag ko bago naglakad papalabas ng school. Narinig ko pa ang pagtawag ng kaibigan ko sakin pero di ko ito nilingon.

Naiiyak ako na ewan. Pero with honors parin naman ako ahh. It's a good thing right? Pero bumaba ang rank at grades ko sa ibang subjects.

Malumbay kong tinahak ang daan pauwi.

Hinahanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang mangyayari sakin mamaya.

Alam kong alam na ni mama ang resulta ng ranking namin.

May pakpak ang balita. Para rin itong sunog na mabilis kumalat.

-

Mabagal at mabibigat na hakbang habang naglalakad ako sa loob ng subdivision namin.

Nakatingala sa langit at tinatanaw ang buwan. Wala kasi yung mga stars ngayon. Nagtatago yata para di ako makapag-wish

Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hanging ang paghinto ko sa tapat ng gate ng bahay namin.

Eto na. Eto na ang world war 3

Pagbukas ko ng pintuan ay sinalubong ako ng nakakabinging atmospera ng paligid.

Nakita kong parehong nakaupo at nakadekwatro ang mga magulang ko sa sofa.

"N-nandito na po ako" nauutal kong bati sa kanila at akmang maglalakad na ako papunta sa hagdan ng tawagin ako ng malamig na boses ni mama.

"Y/n mag-usap tayo"  striktong utos ni mama.

Paktay na.

Mabagal at mabibigat na hakbang akong naglakad sa harap nila mama habang nakayuko at pinipilit na huwag makipag-eye contact kahit sino man sa kanilang dalawa.

"Ano tong nabalitaan ko sa kumare ko? Bumaba daw ang rank mo? At nung binuksan ko ang fb ko nakita ko ang post ng kaklase mo. Lee y/n. Sabihin mo nga sa akin may boyfriend ka ba?" galit at may halong kyuryosidad na tanong ni mama sakin.

SEVENTEEN IMAGINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon