1: Ang Bata sa Basurahan

38 3 6
                                    

"Benjamin! Gumising ka na! Mahuhuli ka na sa klase! Anu ba naman 'tong bata na to, oh! Alas otso na!"

Tumutulo pa ang laway ko nung narinig ko ang paborito kong alarm sa umaga: ang boses ni Nanay Tin. Yung tipong alarm na maririndi ang tenga mo lalo na pag ginising ka ng alas sais tapos sasabihin sayo alas otso na.

"10 minutes pa, Nay!" Sigaw ko pagkatapos ibinagsak ko ulit ang ulo ko sa unan. Alam kong paakyat na siya sa hagdan na may dalang tabo ng tubig pero risk-taker ako. Nagtalukbong ako ng kumot.

"Benjamin Carpio Luna! Hindi ka pa talaga babangon jan!?"

Ayan na sya. Papalapit na. Binibilang ko kung ilang baitang ng hagdan na ang naakyat ni nanay. Isa, dalawa. . .

Naalimpungatan ako nang bigla akong buhusan ni Nanay ng tubig.

"Anak ng hamster!" Napatalon ako sa gulat at nahulog sa kama. Pag minamalas ka nga naman oh.

"Nay naman! Kelangan pa talaga ang tubig? Maliligo naman ako nay eh!"

Isang makapanindig balahibong pingot ang sagot saakin. "Sumasagot ka pang bata ka ha? Tayo jan, tayo sabi!" pingot pa rin ang tenga habang inaangat at pinababangon ako.

"Aray aray aray! Tama na nay. Aylabyu na nay aylabyu. Ang ganda nyo pa naman ngayong umaga nay. Aylabyu nay!"

Binitawan ni nanay ang tenga ko. Napahaplos ako sa sakit.

"Uma-umaga na lang pinasasakit mo ang ulo kong bata ka. Hala sige at maligo ka na at mag almusal."

Sunod naman ako. Magagawa ko eh basa na din naman. Bumaba ako ng hagdan at dumiretso sa banyo. Hindi naman ganun kalakihan ang bahay namin. Tatlong kwarto sa taas, isa sakin, kay Nanay Tin at Tatay Jun, tapos kay Mikai, ang kapatid ko.

Actually hindi ko kapatid si Mikai. Hindi ko din tunay na magulang si Nanay Tin at Tatay Jun. Ampon lang nila ako. Di ko kilala ang mga magulang ko. Basta ang laging kwento sakin ni tatay eh napulot daw ako sa basurahan isang maulan na gabi. Pero laking pasalamat ko pa rin kasi tinuring nila akong tunay na kapamilya at trinato na parang anak.

Halatang-halata ang namumula kong tenga pagharap ko sa salamin kasabay na ang magulo kong buhok.

Good morning, James Reid. Nakangiting isip ko sa sarili ko habang tinanguan ko ang magandang lalake sa salamin. Di naman sa pagmamayabang pero di din naman ako kapangitan, eh. Nasa 5'4 naman ang height ko, mejo kulot na buhok na pwede nang kabahan si Jake Cuenca. Plus points pa sa naguumapaw na self-confidence.

Dumiretso ako sa kusina pagkaligo ko. Sabay back hug kay Nanay Tin na nagtitimpla ng kape. May nakahain sa mesa na sinangag, pritong hotdog, scrambled eggs at tinapa na may kamatis.

"Sarap ng ulam natin ngayon nay ah. Dabes ka talaga."

"Hay nako wag mo kong bolahin jan at magalmusal ka na. Sabayan mo na si Mikai at ang tatay mo."

Pag-upo ko sa mesa, nakangiting-aso sakin si Tatay Jun. Alam ko na to.

"Sinong napingot sa tenga?" Tawa ng tawa si tatay. "Yan kasi hindi gumising ng maaga." Pati si Mikai natatawa din. "Si kuya batugan hahaha."

"Nako naman tay yan nanaman kayo eh. Isa ka pa Mikai. Sige di kita ilalakad dun sa crush mo makikita mo."

"Pero napingot." Tumatawa pa din si tatay sabay hawak sa tenga ko.

"Hoy Eugenio tumigil ka jan paguuntugin ko kayong tatlo." Singhal ni nanay.

"Yes komander." nagpipigil ng tawa si tatay.

Luna Chronicles: Ang Duyog at Ang BakunawaWhere stories live. Discover now