3: Same Blood

14 1 1
                                    

Iba talaga yung dating eh.

Pano naging tao na, i hate to admit it, mas gwapo saakin yung taong daga? And the director of the school? This is some messed up sh*t right here.

Nauna nang umakyat sa classroom. si Jepoy. Dumiretso muna ako sa likod ng building namin kung saan ako nagtatambay. Kailangan kong makapagisip.

Malas ko nga lang, andaming taondun ngayon. Yung mga mag jowa na sa eskwelahan naglalandian. Kakabanas.

Hindi na nga ganun kaganda yung takbo ng araw ko, may mambibwisit pa sa katauhan ni Patrick at ang dalawang bugok, si Eric saka si Bert, na nakasagupa ko kahapon.

I can still clearly see the damage I inflicted on those guy's faces. Natawa na nga lang ako. Man, I hit them hard.

Halata ang gulat sa mukha ni Patrick nang makita nyang wala man lang akong ka galos galos. But still, he forced a laugh at nag-umpisa nanamang tumalak.

"Luna! Balita ko daw nagtago ka nanaman sa ilalim ng saya ng nanay mo kahapon ah? Umiyak ka pa nga ata eh."

Nakisama din sa tawa ang dalawang ugok. Pag tawa nila, nakita ko ang nawawalang ngipin ni Patrick na ako ang may gawa. Pansin din na mejo tabingi ang ilong ni Bert, also my work. Si Eric naman, halatang masakit ang tagiliran, courtesy of Jepoy.

Mejo natawa ako.

"Talaga ba? Balita ko nga daw eh pinadede ka pa ng nanay mo kagabi kasi di ka makakain. Asan ang ngipin mo, Patrick?" bwelta ko.

Nanggalaiti si Patrick. Napakapikunin naman nitong animal na to. Sya ang maguumpisa pero sya ang mapipikon. Ano kaya yun.

"Ah ganun ah!?"

Akmang itutulak ako ni Patrick when my body moved instinctively, sidestepping him. Parang bang nababasa ko ang mga susunod na galaw nya. When did my reaction time become this fast?

Nararamdaman ko ding mejo umiinit ang tattoo sa ilalim ng wristband ko pero di ko na pinansin. While i sidestepped, bigla ko din inusli ang paa ko to trip him kaya sya sumubsob sa lupa.

Nagtinginan lahat ng tao at may mga tumawa din ng malakas.

"T*NGINA MO LUNA!"

Sinubukan din ako pigilan ni Bert at Eric but I jumped backward in time, causing the to bump each other. More laughter arose.

Tumayo si Patrick at nagbitaw ng suntok. With a flawless motion, humakbang ako ng isa, tumalikod, hinawakan ang braso niya and used my back and his momentum to fling Patrick off the ground.

He landed with a thud and a cry of pain. May crack pa nga ata akong narinig eh.

"Alam mo kasi Patrick, maangas ka lang naman pag kasama mo tong dalawang ugok na to eh. Wag ka kasing maghahamon kung di mo kaya ng mag-isa ha?"

Tumalikod ako habang inagapan siya ng dalawa nyang kasama.

"Di pa tayo tapos, Luna!"

I just raised my middle finger while walking away.

Pag pasok ko sa classroom, agad nagkumpulan ang mga kaklase ko sa paligid ng upuan ko. Kasama na dun si Jepoy.

"Pre! Nabalitaan namin yung engkwentro nyo nila Patrick kanina pa lang! Hinagis mo daw?" excited nyang tanong.

"Ha? Sino may sabi?"

"Kalat na kaya sa buong school." Sabi ng kong kaklase na Devin ang pangalan."May picture pa nga oh! Lupet mo talaga Benjie!" sabay tapik nya sa balikat ko.

Luna Chronicles: Ang Duyog at Ang BakunawaWhere stories live. Discover now