Paguwi ko ng bahay, swerte ko na lang na wala sila nanay at tatay sa labas. Sumilip-silip muna ako. Nang makasigurado akong wala talagang tao, pumasok ako ng mabilisan at agad akong umakyat sa kwarto ko, kumuha ng tuwalya at bumaba agad sa banyo.
Sigh. I look like a piece of crap.
Pati pagligo mahirap. Talagang masakit sa katawan makipag basag-ulo. Napangiti ako. Ansarap pa rin talaga sa pakiramdam. Oo siguro psycho ako. Pero anong magagawa ko kung lumaki ako ng kinukutya kutya ng ibang bata? Hindi pwedeng magpatalo na lang. Sigurado aasarin ako ni Tatay Jun kung magpapaapi lang ako.
In this world, it's either you survive or you die. Pero ang isa ko pang tanong, bakit pala english ako pag nag-iisip?
Palabas na sana ako ng banyo pero nagulat ako paglabas ko. Akala ko kung sino na, si nanay lang pala. Nakasimangot. Kulang na lang umusok ang ilong sa galit.
"NAY! Wag nyo naman akong gulatin ng ganyan! Aatakihin ako sa inyo eh!" sabay hawak ko sa may dibdib ko.
"Ano nanaman pinaggagawa mong bata ka! Kwinento sakin ni Jepoy lahat!"
Nako si Jepoy talaga makakaltukan ko yun!
Pagkatapos ng katakot-takot na sermon ni nanay, umakyat na ako sa kwarto at agad kong kinuha ang gauntlet sa bag ko.
Hindi naman kalakihan yung wristband. Parang kasya sa braso ko at mga 2 inches ang haba. Kulay gold at may tear-shaped na pulang gemstone sa gitna. Sa paligid ng gemstone, may makintab na kulay itim na band. May mga parang vine na design sa palibot ng wristband na sa crisscross patern. Itim din ang background na nakikita sa mga spaces sa pagitan ng mga vine. Baka props to sa pelikula o kaya project ng mga fine arts students?
Nagdadalawang isip pa ako kung isusuot ko. Wala. Trip lang. Sakto yung wristband nung sinuot ko, parang ginawa talaga para sakin. Biglang uminit yung wristband at hindi ko na matanggal sa kamay ko. Ginawa ko na lahat pero ayaw pa ring matanggal. Nararamdaman kong unti unting nauubos ang lakas ko. Gusto kong sumigaw pero walang tunog na lumalabas.
Dito na ba 'ko mamamatay?
Nay! Tay! Tulong!
Tulungan nyo ko!
Sumisigaw ako pero walang nakakarinig sakin. Unti-unti akong nawawalan ng malay. Nagiging blangko na ang utak ko. Everything faded to black.
Pakiramdam ko lumulutang ako sa dilim. May mga boses din na nagbubulung bulungan sa paligid ko.
Nagbalik na!
Nagbalik na!
OMG Bes! Pagbabalik is hart!
Wait what!? May nakikibes?
Tumingin ako sa direksyon ng nakikibes na yun. Wala akong makita kundi puro dilim. Pero pakiramdam ko maraming mata ang nakatingin saakin. The darkness is suffocating na para bang nakalubog ako sa tubig. May biglang liwanag na sumilaw saakin. Pero hindi sya yung normal na liwanag. Pag dilat ko, may dalawang pulang mata na nakatitig saakin. Kung napanuod nyo na ang LoTR, ganun. Except dalawang umaapoy na mata ang nakatingin sakin. That kind of trippy sh*t.
"Sauron? Dat you? Wala sakin ang one ring so kung pwede ibalik mo na ko."
Nagulat ako. Hindi ko binubukas ang bibig ko pero rinig na rinig ko yung sinabi ko. Inisip ko lang yung joke na yun.
YOU ARE READING
Luna Chronicles: Ang Duyog at Ang Bakunawa
General FictionBenjamin Luna is your regular orphaned highschool boy until one day, he finds a wristband imbued with strange powers and his fate intertwines with the supernatural. But the "Duyog" is fast approaching and with that, the dreadful Bakunawa. Will Benja...