You are the supremo's son.
May parte sakin na ayaw maniwala. Na para bang Weh? Loko mo ko no? Trip ba to?
Pero hindi. There's something at the back of my brain na nagsasabi na totoo lahat ng to.
It took all the energy I have to even stand. Bumalik ako sa upuan ko.
My brain is fuzzy from all the information na natanggap ko. Totoo pala na sa basurahan ako nakuha.
Pero hindi ko inaasahan na may ganitong plot twist pala ako sa buhay. Aswang ako. Or at least that's what I was told.
"Take your time, Benjie. Alam kong masyadong malaki to para i-process. Have more coffee."
Nakatalikod sakin si Alonzo, nakabalik na sa human form nya. Nakatitig lang sya sa labas ng malaking glass window sa likod ng upuan nya.
I mustered my energy para mag salita.
"Kung totoo man yang sinasabi mo, anong proof?" Kelangan ko pa ng impormasyon. Siguro naniniwala na ako, pero I need more.
"Yang tattoo sa braso mo. Diba galing sa isang gold wristband yan?"
"Pano mo nalaman yung tungkol dito?" Inalis ko ang sports wristband na nilagay ko para matakpan yung tattoo.
Laking gulat ko nang makita ko na umiilaw yung tattoo. It was emitting this purple-black light.
"The Bracer of Kan'Laon, amplified with a bloodstone from the Sinagtala bloodline." Narinig kong sabi ni Alonzo. "Nagrerespond lang ang bracer na yan sa true heir ng angkan natin."
Napanganga ako. Kasi wala akong naintindihan sa sinabi nya. Nakatitig lang ako sa tattoo sa braso ko.
"Kung naghahanap ka ng pruweba, ayan ang pruweba mo. The bracer has awakened your true bloodline. Welcome home, Argos."
Napatingin ako sa kanya. "Anong tinawag mo sakin?"
"Argos. Yun ang pangalang binigay sayo ng ama-"
Di na nya natapos ang sinasabi nya nang sumugod ako. Di ko macontain ang galit ko. Pero still, naaamaze ako sa bilis ko. Tumama ang suntok ko sa mukha nya at bumalibag sya sa glass window na, surprisingly, hindi nabasag.
"Benjamin ang pangalan ko. Benjamin Luna!"
I punched him again but this time, may naramdaman akong pwersa sa mukha ko and i was thrown in the air. A whip-like tail hit me in the chest at ako naman ang bumalibag sa kabilang bahagi ng kwarto.
"Good punch." Puri ni Alonzo. "Pero masyado ka pang bata, Argos."
"HINDI NGA ARGOS ANG PANGALAN KO!" Sinunggaban ko sya at sumuntok ulit ako, hitting the table na effortlesly nawasak. Alonzo sidestepped to my right para mailagan ang suntok ko. I followed up with a left uppercut pero hangin lang ang natamaan ko.
Nakakafrustrate na nakakagigil. Effortless na iniiwasan ni Alonzo ang mga suntok ko.
"I don't have time for this, Argos. Go to sleep."
Isang chop ang tumama sa batok ko. Nawalan ako ng lakas at bumagsak sa sahig. Unti-unti akong nawalan ng malay.
Nagising ako sa kama ko sa bahay. Pano ko nakarating dito? Si Alonzo. Sila Nanay!
Dali-dali akong bumangon sa kinahihigaan ko at bumaba sa sala.
"Nay!"
Napatingin saakin si nanay at si tatay. Si Mikai andun din. At may isa pa.
YOU ARE READING
Luna Chronicles: Ang Duyog at Ang Bakunawa
Ficção GeralBenjamin Luna is your regular orphaned highschool boy until one day, he finds a wristband imbued with strange powers and his fate intertwines with the supernatural. But the "Duyog" is fast approaching and with that, the dreadful Bakunawa. Will Benja...