Chapter 64: New Beginnings

36.8K 1.1K 1.6K
                                    



A/N: SORRY 🙁 Gusto ko lang magsorry.

So nadelete ko yung mga files na sinulat ko noon, yung part 2 ng Christmas eve. And hindi ko na maalala kung ano pa man ang nakasulat dun. Lol. It's been almost 2 years na din naman kasi. HAHAHAHA. 'tong chapter na'to ay parang new book or new beginning so okay lang kung nakalimutan niyo na ang back story sa sobrang tagal ng update. Pasensiya na kung ang tagal kong nawala. May karakters na wala na dito at may bagong papasok na karakters.

Andiyan pa ba kayo? Please comment "I love you" dito kung YES. I just need it right now. :(

PART 2 OF FALL IN LOVE ONCE AGAIN.

Chapter 64: New Beginnings

Yuki's POV

"Miss?"

Muntik ko pang mahulog ang hawak kong papel na aking binabasa nang may biglang nagsalita mula sa likod ko. Buti na lang nasalo ko ito.

"Oops, sorry. Did I scare you?" Nagaalalang tanong niya.

"Oh no, it's fine." Ngumiti ako sa kanya para ipakita na okay lang ako. She smiled back at me pero halatang pilit.

"How can I help you?" I asked. Binalik ko ang tingin ko sa papel na hawak ko kanina at inayos bago umupo sa desk ko. Wala akong narinig na response kaya itinaas ko ang aking tingin upang makita siya. Nakayuko lang ito at nakatingin sa mga books na yakap niya.

"It's okay. Come, sit..." Itinuro ko ang upuan na nasa harapan ko. Napansin kong pagdadalawang isip niya bago ito tahimik na umupo. Inilagay naman niya sa lap niya ang dalawang libro na yakap niya kanina.

"Is there anything I can help you with?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya na siyang tahimik lang at nakatingin sa baba habang mahigpit niyang hawak ang mga libro niya.

Wala pa din akong natanggap na response. Tahimik lang kaming dalawa. Hinayaan ko muna siya. Alam kong iniisip niya paano niya sasabihin at saan siya magsisimula. Or baka nahihiya pa siya at iniipon pa niya ang lakas ng loob para sabihin kung ano man ang gusto niyang sabihin.

Bumalik uli ako sa pagbabasa pero hindi din nagtagal nagsalita na ito.

"Uhmm... I don't know how to say this... But... Uhmm... So apparently, have really low empathy and it hurts people. Today, nag-away kami ng bestfriend ko just because I feel nothing. I would say I'm sensible to be honest, I just can't put myself in others' shoes. For example, my best friend's lola is going to die soon and I barely feel anything. Like, I feel sorry, but that's just because... I should feel sorry. Right? But I feel... I feel nothing. It's like... it's like I don't even care at all." Hindi ito makatingin ng diretsyo sa akin habang nagsasalita siya.

"What's your name?" Tanong ko na seryosong napatingin naman ito sa akin. Ilan segundo din bago niya narealize ang tanong ko.

"Right," natawa ito. "I should've introduced myself first before ranting. I'm Mika. Mika Hernandez, Grade 11."

"Okay, Mika." Umayos ako sa pagkakaupo at kinuha yung pencil ko. naging kaugalian ko na kasi ang pagtap sa tip ng pencil gamit ang hintuturo ko, minsan ang midfinger or thumb ko habang nakikipag-usap sa mga estuyande o pasyente ko. Nasa akin naman ang atensyon ni Mika, hinihintay ang kung ano mang sasabihin ko.

"You know what Mika, it's okay to not understand how someone is feeling, but it's not always okay to say so. If someone's lola, or kuya, sister, friend, bestfriend, tita, kapitbahay... is going to die soon, then an appropriate response, as you've identified, is "I'm sorry to hear that". It's not appropriate to say "I don't care about that" or "that doesn't make me feel anything". It's okay to feel... or not feel that way, but it's not okay to tell someone who is upset that you don't care about why they're upset."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 18, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon