SUPER DUPER SHORT UD!
CHEERS PARA SA MGA COOKIERS! PARA SAINYO ITO. ;)
**
Chapter 34: You’re mine..now.
Ej’s POV
Kasama ko ngayon si Yuki. Dinalhan ko siya ng cookies na binake namin ni Ella. Favorite kasi ni Ella ang cookies. And gustong-gusto niya ang pagbebake. Noong umalis nga si Yuki ay nalungkot ito dahil wala na daw itong pagbibigyan. Kaya kagabi excited na excited siyang gumawa ng cookies at ipabigay sa ate Yuki niya.
Tinignan ko si Yuki. Masaya itong kumakain ng cookies. May pagkain bang hindi niya gusto?
Sana ganito na lang siya lagi. Masaya. Pero parang ang hirap imaintain yun sa situation niya—namin—nila.. Gusto kong lagi siyang nakikitang masaya. Ayoko na siyang makitang umiiyak at nasasaktan. Kung pwede lang ikeep forever yung hindi niya dapat maalala.
“Yuki..” tawag ko dito.
“Hmm?” tumingin naman ito agad.
‘’Ahmm.. can I tell you something?” Atleast kahit papano kung malalaman niya ang noon,at siya pa rina ng pinili niya… nasabi ko na. nasabi ko na kung ano ang nararamdaman ko.
“Eh? What is it?” hinawakan ko yung kamay niya. Bago ako magsalita huminga muna ako ng malalim. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
“Make me the happiest man on Earth,be my girl.” Sabi ko. Bahagya akong ngumiti. Samantalang siya nakatingin sa akin. Hindi ko alam kung yung pamumula niya ay dahil ba sa init o sa kilig. Pero sana kilig,para kiligin ako. Hahaha.
But then…
Ayokong gamitin ang pagkakataon na ito para makuha ka. I mean,yung situasyon mo. Ayokong maging unfair sayo. Dati kay Tyler,pero I think mas magiging unfair ako sayo. Dahil baka isipin mo napaOO ka lang sa akin dahil wala kang maalala.
I want you badly.
Pero sadyang may mga bagay lang talaga na kahit anong gawin mo,hindi mapapasayo. Kahit andyan na yung mga chance para mapasayo,iisipin mo pa rin ang kapakanan nito at yung magiging resulta.
“Pero… gusto ko malaman ang sagot mo.. kapag alam mo na ang lahat.” Sabi ko na ikinalito niya.
“Eh?”
‘’May mga bagay kasing dapat mong malaman. And im not the right person para sabihin ang lahat.” Pinilit kong ngumiti.
Naguguluhang nakatingin lang ito sa akin.
“Malalaman mo din..”
“A-ano ba yon?”
“Basta!” sabi ko sabay pitik sa noo niya.
BINABASA MO ANG
Fall In Love Once Again
Teen FictionTrip In Love or Fall In Love Book 2: Fall In Love Once Again.