35.2: Finding.

317K 4.3K 1.8K
                                    

Gusto ko lang batiin yung mga pushers diyan! hahahah. yung mga nagpush na mag700 comments agad! Hello PrincessJoyPumanes,YeshMakhulit,MHanazono,lormieanyog5 :) Sila yung super nagflood sa comments! hahahaha. Grabe ha!

**

Chapter 35.2: Weydo slash Suweman meets Titi Boy: Finding.

“Sino ba ang hahanapin natin?” tanong niya.

“Mini mo.” Sabi ko bago lumabas sa sasakyan niya.

Sumunod din ito at lumapit sa akin.

Eto na ba ang tamang oras para malaman niya? Ano kaya ang magiging reaksyon niya? magaglit kaya siya?

Bumilis ang tibok ng puso ko ng ibinuka na niya ang bibig niya. Ano kayang sasabihin niya?

“Mini mo? Si Nemo? Finding nemo ba ito?”

Tinignan ko ito ng hindi makapaniwala. Grabe. Ibang utak talaga ang meron tong Alikabok na ito!

Inirapan ko na lang ito at tinalikuran. Napapiling na lang ako. dapat pala hindi ko na muna ito isinama. Hindi ko alam kung makakatulong ba ito o hindi.

At ano daw sabi niya? Nemo? Finding nemo? Aba! Ginawa pa talagang clown fish ang anak ko! 

Aish!!!! ALIKABOKKKK!!!!!!

Pumunta ako sa park si Dustin naman nakasimangot na nakasunod sa akin.

“Kung si Nemo ang hinahanap natin,hindi ba dapat sa tubig natin siya hanapin?”

“Try mo hanapin,tapos pakain ka sa shark ha??!” inis kong sabi. Bwisit kasi!!!

“Bakit sa shark pa? Eh may baboy naman dito na kakain sa akin.” NGumiti naman itong parang aso.

“Alam mo umuwi ka na lang,hindi ka nakakatulong e!!!” inis kong sabi at iniwan siya. Pero sumunod pa rin ito sa akin.

Asan na ba yung batang yon? Saan lupalop ka ito pumunta? Nakidnap kaya ito?  ugh. Huwag naman sana.

 Pumunta sa guard house,sumunod naman si Alikabok.

“Manong,may itatanong lang po ako.”

“ano yun iha?”

Nag-aalinlangan naman akong tumingin kay Dustin na mukhang bored na bored ito.  paano ko ba sasabihin na nawawala ang anak ko—namin?

“Manong,may nakita po ba.. k-kayong.. umhh. Bata?”

“Bata??” gulat na tanong ni Dustin.

“Ano itsura ng bata?”

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon