36: Welcome BackHaching!

323K 3.7K 1.4K
                                    

Chapter 36: Welcome Back,Haching!



Yuki's POV

Andito ako ngayon sa garden at binabantayan ang pasaway kong pamangkin na si Yohan. Yung mommy niya kasi masama ang pakiramdam. Kaya ako ngayon ang nagbebabby sit sa kanya.

"Mami ki! Look oh!" napatingin ako sa tinuturo ni Yohan.

"Titi boooooooy!"

"Waaaaaaaaaaah! Titi Gaaaaaaaaab!" tumakbo si Yohan papunta sa kinakatayuan ni Gab.

"Titi Boy!" binuhat niya si Yohan. " Miss me?"

Tumango-tango naman si Yohan.

"Hi Yukibells!" lumapit sila sa akin.

"Buti nakadalaw ka Gabibells?" natatawa kong tanong.

"Namimiss na ako ni Titi boy e." natatawang sabi niya sabay kiniss niya sa pisngi si Yohan. Niyakap naman siya ni Yohan.

Ang cute nilang tignan. Parang mag-ama lang! hihi.

"Si Hanako?" tanong ni Gab.

"Sa kwarto niya. Masama daw pakiramdam." Ayaw nga niya magpaistorbo e. nakalock din yung room nila. Kaya di ko man lang siya masilip kung ok lang ba siya.

"Ganun ba. May foods ba kayo? Nagugutom ako." Hay nako. Pumunta lang siguro dito ito para makikain. -_-''

"Meron. Tara sa loob!" tumayo na ako at pumasok na sa bahay. Sumunod naman sila. Buhat pa rin ni Gab si Yohan. Gustong-gusto talaga ni Yohan si Gab.

Pumunta kami sa kusina. Buti na lang andun si Nanay Rosa nagluluto ito para sa lunch.

"Oh. May bisita pala tayo."

"Opo nay,andito na naman ang gwapong nilalang." Biro naman ni Gab. Kapal nito!

"Makikikain lang po siya nay." Sabi ko naman.

"Hindi ah."

"Teka lang,malapit na din matapos ito." Sabi ni Nay Rosa.

Tumulong naman ako sa paghahanda ng plates. Sila Gab at Yohan ay naghaharutan na. kinikiliti ni Gab si Yohan. Maya't-maya siniko ako ni Gab. Tinignan ko ito ng masama. Ano na naman kaya ang problema nito?

"Balita ko kayo na ni Ej ah." Bulong niya sa akin na ikinangiti ko. Ewan ko basta pag naririnig ko yung pangalan ni Ej napapangiti ako.

"Kilig ka naman." Sabi niya.

"Bakit ba?" natatawang tanong ko.

"Kayo na nga?"

Nakangiting tumango-tango ako bahagya ko pa nga itong hinampas sa braso. Gosh!

"Lah! Kinikilig!" asar niya.

"Wag ka nga." Tinalikuran ko ito para maitago ang lagpas tenga na nngiti ko.

"First boyfriend mo?" tanong niya.

Tumango naman ako.

"Weh? Sure ka?"

"Oo nga."

"Baka naman nakadami kana,nakalimutan mo lang."

"Duh? Ano naman gagawin ko sa maraming boyfriend?"

"Malay mo... may nakalimutan ka." Bulong niya.

"Kung meron,bakit ko naman siya kakalimutan?" umupo na kami. Si Nay Rosa naman ay nireready na yung foods.

Fall In Love Once AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon