Catch me when I fall.
2nd semester .
Ughh I cannot concentrate on my works here, napakaingay talaga nila sa likod .
Pati iba naming mga ka-klase ang iingay talaga . Mabuti nalang hindi pa nag le-lesson si maam at binigyan niya kami ng free time.
Hindi akoooo makakapagconcentrate sa pagd-drawing jusko !
Tumingin ako sa likod and I just glare at them. Biglang ...
" Ganda ng drawing mo ah " sabi nung tao na nakaupo sa likod ko. And I know who's the person behind my back, boses palang alam ko na kung sino.
Bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko na hindi ko alam kung bakit.
Nababaliw na yata ako ?? Please lubayan mo 'ko Rico baka mahalata mo na eh nag bl-blush ako jusko !
" HAHAHAHAHA ehhh " rinig kong hiyawan ng mga kaibigan ko sa likod kasama siya .
Eto naman yung sakit ko na kinakabahan pag ganyan yung situation na nangyayari sa akin at hindi ako mapakali .
Bumalik nalang ako sa ginagawa ko at hindi ko namalayan na nahulog na pala yung ballpen ko at hindi ko nasalo char! Pinulot pa niya at eto naman yung sakit ko nakakapanggigil huhuhu sobrang nakakahiya at ilang ulit pa nahuhulog yung ballpen at pinupulot niya jusko po !!!
Rinig na ring ko yung tawa nina Darron at Angela sa likod kasi nga palagi nalang nahuhulog yung ballpen ko at parang wala akong pakialam . Nakakainis dagdag naman sila sa tensyon ko at nakikita ko tumawa din siya.
Nagpapatuloy nalang ako sa pag d-drawing, sumasali nalang ako sa kanilang pinag-uusapan para walang awkward noh, grabe na talaga eto noh.
Yung smile talaga niya ang addicted, pati rin ako nahahawa na rin.
What??? anong pinagsasabi mo diyan Monica ?
Anong addicted na sinasabi mo diyan ?
Tumahimik ka baka ma-triggered yung sakit mo patay tayo diyan !
" May joke ako " sabi ni Rico. Pinakinggan nalang namin siya.
" Saang MRT station ang maraming santol ? " tanong ni rico.
" Sa Santolan station " sabi ni Darron .
" No . Mali ang santolang station, ang sagot is sa Cubao dahil nandun ang farmers . "
-
-
-
Airplane mode~~~~
-
-
-
bigla siyang tumawa ng malakas, sina Angela at Darron ay tumatawa na rin, except me .
Haler so corny kaya ? Mga jokes niya talaga napaka corny, kakain nalang ako ng mais kesa marinig yung corny jokes niya noh hahahaha.
Pero crush ko siya tumawa nalang ko nang saglit.
Habang nagbabanat ng joke si Rico, hindi ko namalayan na nahuhulog na pala yung bag ko pati rin ako joke at ang nakakahiya pa ay yung mga gamit ko sa bag nahuhulog na rin at mas nakakahiya pa ay hinulot ulit niya jusko help mah heart mah soul !
Natatawa nalang siya, at yung allergy ko nag trigger na jusko !
You're such an idiot Monica ! Paboya ! Baka-chan !
You made a big embarrassment towards him!
And what will you do now ha ?
" Ay I'm s-s-sorry R-Rico, inabala pa kita " sabay pulot sa mga gamit ko. Nauutal pa ako jusko ! Nakikita ko sa side ng vision ko na tumatawa sina Angela at Darron. Kung tulungan nila kaya kami para mas madali matapos, nakakahiya na ito.
" Okay lang " sabay tawa . Ughhh nakakahiya talaga huhuhuhu
" Handa kong saluhin ang may mahuhulog " sabi niya . Napahinto ako sa sinabi niya at natawa.
Kung ako kaya ang mahuhulog sayo sasaluhin mo rin ba ako ?
kung di mo man ako masasalo kaya mo ba ako pulutin ?
Charot ! ahahhahahaha
" Salamat Rico, sana ako din " sabay smile .
" Ha ? anong sabi mo ? "
" Ha ?? Salamat Rico ? "
"Hindi yan, yung huling sinabi mo "
" Wala naman akong s-sinabi s-sa h-huli ah salamat R-Rico lang that's all " utal kong pagkasabi . Naku naman Monay ka . . . .
" Basta narinig ko ! Sige na uy " ang kulit .
" Ang kulit mo talaga wala nga sabi eh ! " kinukulit talaga niya ako .
Please be calm Mon, malapit na ang dismissal. Konting kembot nalang !
"Ano nga sinabi mo sa huli kas----
" Good bye class ! See you when I see you "
" Good bye and thank you Ma'am Mae, may the love of God be your reward ! " Yes thank you lord !
" Good bye Ma'am ! " bati ko . sabay kuha sa bag at lumabas na nang classroom .
Nakakahiya talaga yung nangyari sa akin ngayong araw . Most embarrassing moment .
" Falling for a person you never thought you'd fall for. "
"And you don't know if he/she gonna catch you when you fall. "
Catch me I'm Falling in love with you
~ ONE SHOT ~
Based on true experience . . . . but it's not mine :))
PS : PLEASE VOTE AND COMMENT BELOW THANKS :))
PLEASE PLEASE SUPPORT MY ONE -SHOT STORY COZ I'LL TRY TO CONTINUE WRITING THIS STORY. BECAUSE I HAVE TWO STORIES THAT I DID NOT CONTINUE ON WRITING THOSE BECAUSE MY NOTEBOOK WHERE I HAD WROTE MY DRAFT STORY AND I LOST IT SO SAD YEAH~~~~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Notice Me [ One-Shot ]
RomansaShort story of a girl who is in love with a guy who can't love her back . One sided love . Will she find the one in her life ?