9. Fall All Over Again

6.9K 102 54
                                    

A/N: Writers always dream of happy endings. It's like our favourite escape when the reality of our lives is far from happy. It's like we are giving ourselves the chance to hope and dream again that despite the many failures in life and in love, a happy ending is waiting for us somewhere. 

Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako nasaktan dahil sa pangit na 'yun. Ilang beses ko na siya sinumpa, kinamuhian, pinakulam at lahat lahat na. Pero may mga bagay talaga sa mundo na kahit ilang beses kontrahin ng isip ay talagang ilalaban ng puso. Kahit masakit. Kahit walang kasiguraduhan. Tangang puso eh. Kahit alam ng isip ko na kabiguan lang ang darating, ang tibay pa rin ng puso na mangarap, umasa, humiling... na sana tulad ni Ruben at Erisha...may darating ding bukas para sa pagmamahal ko sa pangit na 'yun. 

No one can tell what the future brings. Minsan we dwell too much on our hatred and our pain that it keeps us from seeing the good in someone. May mga bagay kasi talaga na mahirap kalimutan. Mga masasakit na alaala na hindi kayang paghilumin ng panahon. Mga takot na hindi agad-agad napapawi ng simpleng mga salita lang. Pero isa lang naman ang hinihiling ng bawat taong nagmamahal. Happy ending. Yung nagmamahal at minamahal rin ng taong mahal nila. 

No amount of anger or bitterness to the tenth level can truly change the nature of our hearts. Ang alam lang kasi ng puso ay ang magmahal. Kaya sige, aasa ako kahit na malaki ang chance na masasaktan na naman ako. Aasa ako na isang araw maaalala mo ako. Aasa ako na isang araw hahanapin mo ako kahit na ang dami namang naghahabol sa'yo na pwede mong mahalin. Aasa ako na kapag pakiramdam mo mag-isa ka na lang, aasa ako na hahanapin mo ang isang bahagi ng kahapon natin kung saan ikaw at ako ay kasamang nangarap at nangako na hanggang sa pagtanda natin magkakasama tayo. 

Pinapalaya kita dahil mahal kita. Dahil kung talagang para sa akin ka, walang sinoman ang magpapaalis sa'yo sa buhay ko. Hanggang sa muli, panget. 

--------------------------



NAGULAT pa si Erisha nang madatnan si Ruben sa loob ng cottage ng mga alaga niya sa orphanage. Naroon ito sa mini-classroom nila at nakaupo sa kanyang mesa at kumakanta habang tumutugtog sa gitara. Ang mga kabataang alaga niya ay nasa kani-kanilang mga upuan at halatang nag-e-enjoy sa performance nito.

Agad itong huminto nang makita siya sa bungad ng pinto at nakahalukipkip.

"W-what are you doing here?" tanong niya at pilit na kinalma ang lumulundag niyang puso. Isang linggo na mula nang umalis siya sa kanyang bahay at pansamantalang tumuloy kay Jheng. Hindi niya inaasahang pupunta ito sa orphanage nang umagang iyon. Sa loob ng isang linggo ay palagi itong nagpapadala ng mga bulaklak sa orphanage. At sa tuwina ay iisa ang nakasulat na mensahe doon.

I love you. I'm willing to prove it even if I'd die trying.

Two days ago ay naglabas ito ng statement sa local media na hindi ito engaged sa isang Hannah Olivarez at iisang babae lang daw ang gusto nitong bigyan ng pangalan nito.

"My bestfriend. If she will have me still," sagot nito sa reporter na nag-usyoso rito noon.

Napigil niya ang kanyang hininga habang pinapanood ito sa telebisyon. Maging si Jheng ay napahanga nito.

Tinawagan din siya ni Hannah kahapon at humingi ito ng tawad sa kanya.

"I tried to talk to him again that night, Rish. Ilang oras akong nakatayo sa gate niya. Nang lumabas siya ay pinasakay niya ako sa kotse niya at inihatid sa tinutuluyan ko, telling me that it was over between us. He told me he was planning a surprise for you at doon daw siya magpapalipas ng gabi sa studio with his bandmates. Pinuntahan kita, hoping to ruin everything between the two of you at bumalik siya sa akin pero hindi ganon ang nangyari. Mahal na mahal ka niya. He is willing to lose everything just to have you back. Ang swerte mo," pag-amin nito sa kanya.

Love Was Made for Us [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon