8. Running Away from My Heart

5.1K 100 15
                                    

A/N: I swear, I wrote this story so many years ago even before ko pa nakilala ang panget na 'yun. Pero bakit ganon? Bakit parang ganitong-ganito ang nangyayari ngayon? Ang kaibahan lang is lahat ng dialogues ni Erisha at Ruben ay dialogue ko lahat. Kasi at the end of it all, ako na lang ang naiwang nagmamahal. Ako na lang ang naiwang umasa. Naiwanan na ako ng panahon kakahintay na mamahalin niya o kaya tatanggapin ulit. Minsan kapag sobrang nasasaktan tayo, we run away even from our own hearts as a defense mechanism. We wanted to protect ourselves. We got tired of hurting kaya kahit yung taong yun pa ang tanging magpapasaya sa atin, we run away because the more we love someone, the more we give them the power to crush us and our world will fall apart all at once without any hope of being rebuilt.

----------------

"HI Rish!"

Mula sa pagbabasa ng kanyang notes ay nag-angat ng tingin si Erisha. Nasa staff lounge siya sa orphanage nang mga sandaling iyon. May one hour break kasi bago siya babalik sa cottage ng mga alaga niya para sa afternoon activities nila.

"H-hi, Hannah. G-good morning," bati niya sa pilit pinasiglang boses. Natatandaan pa rin niya ito. Tama nga ang sinabi ni Ruben. Maganda pa rin ito. And hindi niya alam ay kung ano ang ginagawa nito doon. "Napadalaw ka? Take a seat."

"Thanks," sagot ito at naupo sa tapat niya. "Mabuti nakauwi kayo ng maayos ni Ruben galing sa resort niya," sambit ni Hannah at matamis pang ngumiti sa kanya.

"O-Oo naman. I'm glad na naging maayos ang pag-uusap ninyo kahapon," sagot niya. Ngumiti ito.

"Oo, nagkaayos na kami. Natutuwa nga ako eh at parang bumalik uli kami sa dati after all these years. Nagkuwentuhan pa uli kami bandang midnight," sagot nito.

Pilit niyang ininda ang kirot sa kanyang dibdib sa narinig. So tama nga ang hinala niya. Si Hannah nga ang kasama ni Ruben kagabi. Hinintay niyang umuwi si Ruben ngunit hindi ito dumating. Muli niyang sinilip ang garahe nito kaninang umaga bago siya pumasok sa orphanage ngunit wala pa rin ang kotse nito doon.

"M-may ipagtatapat sana ako sa'yo, Rish," pukaw nito sa kanya. May nababasa siyang lungkot sa mga mata nito.

"A-ano yun?"

"Ayoko sanang biglain ka, Rish but you have to hear this from me. I know may feelings ka kay Ruben but you must also know kung saan ang lugar ko sa puso niya," panumula nito. Nasa anyo nito ang pag-aalangan. Hindi siya makasagot. Hinintay niya ang susunod pang sasabihin nito. "Nag-usap kami kagabi ang settled things between us. He...he gave me this," anito at ipinakita nito sa kanya ang isang daliri. Suot nito ang isang singsing na may mamahaling bato. "Our engagement ring. Funny how two people can go separate ways and still find each other in the end. Tapos, bigla na lang siyang nag-propose," nakangiting dugtong nito.

Maang na napatitig lang siya dito. It was her greatest nightmare. Labis ang pagpigil niya sa nagbabantang luha. Ano ba ang laban niya sa babaeng unang minahal ng bestfriend niya? Maaaring nagbago na ang isip ni Ruben nang makita nito uli si Hannah kahapon.

Hindi niya maiwasang ikumpara ang singsing nito sa kwintas na binigay ni Ruben sa kanya. Halatang mas mahal iyon kumpara sa kwintas na suot niya.

"C-congratulations," sa wakas ay naisatinig niya at pilit na ngumiti rito

"Thanks. Pasensiya ka na kung nabigla ka. Sinabi ko kay Ruben na ako na ang magtatapat sa'yo. Nag-aalala kasi siya na baka masaktan ka, eh. Sana makadalo ka sa kasal namin. I'll be the happiest girl on that day," nakangiting sabi nito. Bawat salita nito ay tila patalim sa kanyang dibdib.

"I-I'll try," aniya. Saka pa lang niya pinakawalan ang nagbabantang luha nang makaalis na ito.

Hindi niya alam kung anong klaseng biro ito ng tadhana. Ngunit hindi siya natutuwa. Dahil pakiramdam niya ay dahan-dahan siyang pinapatay nang mga sandaling iyon.

Love Was Made for Us [PHR]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon