"RISH?"
Agad siyang nag-angat nang tingin nang marinig ang boses ni Ruben. Dahil sa pagbabalik-tanaw niya sa nakaraan ay nakalimutan niyang nasa coffeeshop pa rin sila.
"Hmn?"
"You okay?" tanong nito. May bahid ng pag-aalala sa mukha nito.
"Y-yeah—"
"You're crying, Rish. What's wrong?"
Napakurap-kurap siya at dinama ang pisngi. Mamasa-masa nga iyon. Hindi niya namalayang umiiyak pala siya habang naalala ang unang beses na nalaman niyang mahal na niya ito. Iyon din ang araw na nabigo siya sa pag-ibig dahil iba ang babaeng mahal nito. Pinahid nito ang kanyang luha gamit ang hinlalaki nito.
Paano ba niya sasagutin ang tanong nito? Akala niya ay matagal na niyang ibinaon sa limot ang damdamin niyang iyon para dito. Noong ipinagsigawan nito na sinagot na ito ni Hannah noon ay nagdesisyon siyang kalimutan na ang feelings niya rito at tanggapin na lang na hanggang magkaibigan na lang sila. Bakit ngayon kung kailan tumanda na sila at ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin nagbabago ang tibok ng kanyang puso?
After all these years and after all this time, ito pa rin ang lalaking sinisigaw ng kanyang puso. Ang lalaking una niyang minahal. And she never loved anyone since then.
Nang hindi siya nagsalita ay marahan siya nitong hinila pabalik sa mga bisig nito at niyakap ng mahigpit.
"Wedding anniversary na bukas ng parents mo. Kaya ka ba umiiyak dahil nami-miss mo sila?" tanong nito habang hinahagod ang kanyang buhok.
Wala sa sariling tumango na lang siya at lihim na pinagalitan ang sarili. Heto siya, nag-e-emote sa mga bisig ni Ruben at nawala sa isip niya na wedding anniversary na bukas ng mga magulang niya.
"Ililibre ko ang schedule ko bukas. Dalawin natin sila sa sementeryo, okay?" anito. Muli ay isang tango lang ang kanyang isinagot. Lalong humigpit ang yakap nito sa kanya.
Matagal na kasing patay ang kanyang mga magulang. Ilang buwan matapos ang graduation nila sa kolehiyo ay inatake sa puso ang kanyang ama. Sumunod ang kanyang ina pagkalipas ng dalawang buwan dahil hindi nito makayanan ang lungkot.
"Huwag ka sanang magbabago, Ruben," aniya nang matagpuan na niya ang tinig.
Kahit kaibigan lang ang turing nito sa kanya, kahit hindi siya kasing-ganda ng mga girlfriends nito ay masaya na rin siya dahil palagi itong nasa tabi niya.
"Shh...Kahit kailan naman, hindi ako nagbago eh. Ikaw nga ang biglang naglayas papuntang Dubai. Kung hindi pa kita tinawagan noon, hindi ko malalamang nandoon ka na pala," sagot nito. May himig pang pagtatampo sa boses nito.
Lihim siyang napangiti. Alam niya kung bakit niya nagawa iyon. Dahil nakita niyang may dinala itong babae sa bahay ng mga ito. Nasa abroad na kasi ang mga magulang nito kaya solo na nito ang bahay. Sa kanya naman naiwan ang bahay ng mga magulang niya nang pumanaw ang mga ito.
Hindi nakayanan ng puso niyang makita ito kasama ang babaeng iniuwi nito noon. Nagkataon namang dumating ang isang offer sa kanya na maging singer sa isang sikat na hotel sa Dubai. Kahit hindi siya sigurado sa buhay doon ay tinanggap agad niya ang trabaho.
"Don't do that again, Rish. Next time you leave, magpaalam ka naman," dugtong pa nito sabay halik sa kanyang buhok.
"Okay," sagot niya at bumuntunghininga. "Bakit nga pala hindi ka pa nag-asawa? Hindi mo ba sineryoso 'yung babaeng inuwi mo noon?" hindi mapigilang tanong niya.
"Wala 'yun. Inireto lang iyon ni Jigs. Bakit? Gusto mo na pala akong mag-asawa?" ganti ring tanong nito.
"Nagtatanong lang naman," aniya. Bumuntunghininga ito bago sumagot.
BINABASA MO ANG
Love Was Made for Us [PHR]
Teen FictionSEQUEL TO Marco and Jannah's story entitled UNTIL YOU FOUND ME. Southern Fever Band Book 3. ----------- "It's not bad to fall in love with a friend. Just be sure of what you feel and be ready to risk something because loving a friend is the most be...