Aking Ginoo

693 8 0
                                    

Aking ginoo,
Hindi man maamin ang nararamdaman ko
Kaya ko naman maghintay ng tsempo
Saan ka man pumunta sa sulok ng mundo
Kahit saan, kahit kailan tandaan mong maghihintay ako

Parang mga bituin sa langit
Na kaya kong sungkitin makita lang ang yong mga ngiti
Kahit saan man tumingin
Tingin ko, mata mo lang ang aking napapansin
Salamat naman at naamin ko na din
Kahit mga ngiti'y nakuha ko rin
Hindi man nakuha ang matamis na oo
Sapat ng malaman mong ako'y sa'yo ay may gusto aking ginoo.

Unspoken PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon