Ang Lalake kong Gusto

155 3 0
                                    

Ang lalake kong gusto
Di matangkad di rin gwapo
Bakit nga ba kita gusto?
Ewan ko ba bakit nagpapadala ako sa puso
Sapagkat hindi naman talaga ikaw ang nauna
Ikaw na pala ang hinahanap ng aking mga mata

Sa paligid ang mata ko'y naniningkit
Makita ka lang ng maayos ng hindi lumiliit.
Malabo man para sakanila
Ewan ko ba pero ikaw na ang gusto ko sinta
Tingin mo ba madali kang gusuthin?
Sapagkat ni makausap hindi ko kayang gawin

Tignan ka sa malayo ang kaya
Pero bakit mga ngiti mo'y nasa iba?
Siya na ba talaga?
O masyado lang akong asumera?
Oo hindi ako maganda,
Pero marunong akong dumama
Kung may gusto ka man o wala
Pasensya na ngunit ako'y lubusan yatang uamasa
Ngunit di ako susuko
Dahil alam kong ikaw ang gusto
Sa kalagitnaan ng pagsubok
Ngiti mo pa din ang aking pinaghihimutok

Unspoken PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon