Closure

128 3 0
                                    

Isang relasyong. Relasyong natapos ng walang paalam, paalam na gustong maasam. Dahil hindi alam kung dapat pa bang umasa o talaga bang wala na. Mahal kita pero ikaw? Kaya mo pa ba? O talagang bumitaw ka na? Hindi ko alam saan sisimulan, sa pag hawak o ikaw ay bitawan. Masakit oo sobrang sakit sa bawat araw dibdib ko'y naninikip sa bawat minutong iniisip kung kakapit pa o bibitiw na dahil sa sobrang sakit mata'y laging pumipikit. Luha, luhang di mapigilan simula ng ako'y iwanan closure lang ang kailangan pero ni isang paramdam hindi pinagbigyan. Mahal pa rin kita alam mo ba? Bawat araw umaasa na sana tayo talaga pero sa bawat minuto hindi alam kung anong ikikilos ng pusong natatanga. Masakit oo pero umaasa pa din ako na sana maayos na'tin ito. Ayoko na pero bakit ayokong bumitiw pa?! Wag mo kong paasahin bigyan moko ng closure na ang tagal kong hinihiling. Wag mokong paasahin kasi alam mong ikaw ay tatanggapin pa rin. Ako'y nasasaktan sa tuwing makikitang ikaw ay sumasaya sa piling ng iba. Nakahanap ka ng paglilibangan mo pero yung closure na hinihingi ko binabelawala mo na. Hindi lang ikaw ang nasaktan parehas lang tayo. Kaya sana ang huling hiling ko para ako'y bumitiw na ay ang closure na pipigil saakin para umasa pa.

Unspoken PoetriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon