PROLOGUE

318 0 0
                                    

Nagkaroon ng tip si SPO1 John Mark Bermudez na may isang casa sa may Quezon City. Ang sabi-sabi raw ay isa itong karaoke bar sa umaga hanggang alas otso ng gabi at pagdating ng alas nuwebe ng gabi ay nagiging night club daw ang CASA MARGARITA.

Ang karamihan daw sa mga babaeng nasa poder ng casa ay puro mga minor. Ang iba ay dinukot lamang sa mga probinsya at ginagawang hostess dito ng mga sindikato. Gayon na lamang ang naisin ni SPO1 Bermudez na matulungan any mga babaing iyon. Kaya kahit wala ang head nilang si SPO3 Reyes ay nakiusap syang matuloy ang pag-reraid sa nasabing casa sa kanilang Chief Inspector Arnaldo Dela Rosa. At laking pasasalamat nyang pumayag ito.

Parang ama na ang turing ni SPO1 Bermudez kay Chief Dela Rosa. Ito kasi ang tumulong at gumabay sa kanya nang mga panahong kinailangan niya ng ama. Kaya't hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin siya kapag naaalala ang dahilan ng ama kung bakit siya pinalayas noon. Sino ba namang hindi magagalit kung palayasin ka ng dahil sa pangarap niyang maging pulis? Ang tanging kondisyon lamang para siya ay tanggapin ng ama ay ang iuwi sa kanila ang kaniyang asawa.

YES I DO, MAMANG PULISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon