Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko alam kung niloloko lamang ako ng pulis patola na ito o talagang totoo ang sinasabi niya.
Nakita ko naman na hindi siya mapalagay nung sinabi niya iyo pero kita ko sa mata niya na totoo ang sinabi niya. Base kasi sa kwento niya, pinalayas siya ng ama dahil sa pagtutuloy nito sa pagpupulis at para lamang makabalik ito sa kanila ay kailangan magpakilala ito ng asawa. Naalala ko din na ganoon din ang reaksyon ni mama noong nagsundalo ako kaya nakakarelate ako sa kaniya.
Wala na din akong nagawa kung di sumang-ayon sa plano niya dahil nakapangako na ako sa tito ko. At ako iyong taong tumutupad sa salitang binitawan ko. Hindi ako tulad ng aking ama na ganoon ang ginawa sa amin.
......................................................
Kasalukuyang palapag ang eroplanong sinakyan namin papuntang Davao. Kita ko ang ngiti niya. Isang malawak na ngiti ang tila nakaplaster na sa mukha niya. Palagi kasi seryoso ito mula kahapon ng makita niya pero simula noong sumakay sila sa eroplano ay di na maalis ang ngiti nito sa mga labi.
"Tinawagan ko si mama kagabi bago iyong flight natin. Tuwang tuwa sila dahil nagawa ko na iyong gusto nila." nakangiti niyang sabi.
"Baka naman iluluto niyo ang iba't ibang parte ng katawan ko at pagpipyestahan niyo ako sa lugar ninyo?" matamang sabi ko.
Isang tawa lamang ang narinig ko mula sa kaniya. Kasabay noon ang paghampas niya sa likod na upuan sa harap niya. Habang ako ay napakunot na naman ng noo. Binatukan ko siya sa inis.
"Sige tawa pa!" inis na sabi ko.
"Ikaw kasi kung anu-ano ang napasok dyan sa utak mo. Ganyan na ba kasama ang lahat ng tao para sa iyo?" tanong niya.
"Hindi naman. Naniniguro lang. Sigurista 'to kaya umayos ka." saad ko.
"Sweetie, hindi pwedeng cold ka sa akin kapag nandun na tayo. Dapat sweet ka. Magpakababae ka naman kahit minsan." maktol nito.
"Ang demanding mo kala mo naman may talent fee ka na maibibigay sa akin. Gusto mo pa na maging mahinhin ako. Pwes di ko kaya! Tss!" bulyaw ko.
"Wala akong sinabi na ganon. Ang akin lang baka akalain niya na amazona naging asawa ko." saad niya.
"Housewife figure ba gusto mo? Bakit may pang talent fee ka na ba?" hamon ko sa kaniya.
"Pwede na ba katawan ko? Collateral na muna ito. Tsaka na lang iyong pera kasi kelangan ko pang mag-ipon ulit sa lakas mong kumain." panunuya niya.
"Oy, di ko kailangan ang katawan mo at mas lalong di ko kailangan ang pera mo dahil madami ako nan." sabi ko.
"E anong kapalit? Baka naman gawin mong punching bag itong mukha at katawan ko. Maawa ka naman sa akin at maraming gustong makatikim nito." pagmamakaawa niya.
"Basta susundin mo lang ang gusto ko. Hanggang nandoon tayo, no choice ka kundi sumunod o sasabihin ko na hindi mo talaga ako asawa sa kanilang lahat." panunuya ko.
"Deal basta aasta ka ng maayos doon at ituturing mo akong asawa habang may mga matang nakatingin sa atin." nakangiti niyang sabi.
"Deal!" sabi ko at nagkamay kami.
May itinuro siya sa akin na isang SUV at nang ito ay bumukas na, bigla niya akong hinalikan sa labi. Natigilan ako sa ginawa niya. Kinabig niya ang aking bewang at matauhan ako.
"Ma, Pa, buti nasundo niyo po kami. Ito nga po pala ang asawa ko. Si Nikki po. Sweetie, sina papa at mama." Rumihistro na sa utak ko ang lahat. Kinamayan ko ang mama at papa niya. Ngumiti ako sa kanila sa kabila ng inis kay JM sa ginawa nitong pang-aagaw sa first kiss ko.
"Hindi ako nagkamali sa'yo, JM. Nagmana ka sa akin. Magaling kang pumili." doo'y may sumilay na ngiti sa seryosong mukha ng papa ni JM.
Tanging ngiti lamang ang naibigay nitong ganti sa ama. Isang halik naman sa pisngi ang ibinigay ng ina at niyakap din siya nito maging ang asawa niya. Doon ay yumakap na din ang kaniyang ama sa kaniya.
"Ang drama natin. Tara na at ng maipakilala ka na namin sa lahat, Nikki." sabi ng mama ni JM.
"Pwde po bang Ann o Nicole na lang po ang itawag ninyo sa akin?" tanong ng dalaga.
Pero bago pa masagot ang tanong niya ay muli siyang nagsalita. "Mas ok po kung anak na lang po tulad po ng tawag ninyo kay JM." ngiti-ngiting sabi ko sa kanila.
Lalong naging maaliwalas ang mukha nilang tatlo sa huli kong sabi. Batid kong nagustuhan nila ang huling sinabi ko.
Nagpasyahan na din namin magbyahe na papunta sa bahay nila. Anila'y aabot ng dalawang oras ang byahe mula sa syudad hanggang sa bahay nila.