Halos madismaya siya ng malamang iyon ang pulisyang pinamumunuan ng tito niya. Hindi rin nito alam na pumayag siya sa kasunduan nila ni Michelle Marie bilang tenant nito.Abut-abot ang kabang naramdaman hindi dahil sa masesermonan siya nito kung di dahil baka malaman nito ng kaiyang ina.
Pagkatapos kausapin ang lahat ng mga babae sa grupo nila ay siya naman ang sumunod. Dumaretso siya sa opisina ng tiyuhin matapos tawagin ng isang babaeng pulis na siyang nag-iinterbyu sa mga babaeng galing din sa casa.
........................................................
Sa kabilang dako, si SPO 1 Bermudez ay pinupuri ni C/Insp. Dela Rosa dahil sa magaling na pamumuno niya sa pagsalakay sa Casa Margarita.
Kumatok siya sa pinto at saka ito marahang binuksan. Nakita niya doon ang kaniyang tiyuhin at ang pulis na sumira sa diskarte nya.
"There you are, iha." saad ng kanyang tiyuhin. Bumaling naman ito sa lalaki. "JM, ikaw na muna ang bahala sa kanya. Alam kong mapagkakatiwalaan kita."
"Hindi ninyo naman kailangan gawain ang bagay na ito. Kaya ko pong protektahan ang sarili ko." Inis na sabi ko.
"All I care is you. Paano kung malaman nila kung sino ka at malaman ko na lang na may masamang nangyari sa iyo? Please, iha wag mo tong gawin sa kin." Pagsusumamo ng kaniyang tiyuhin.
"No! Hindi nako bata. Kung may katawan na lulutang sa Pasig River, doon po iyon sa mga taong magtatangka sa buhay ko. I will give them the fight of the century. Kaya wag nyo na po akong diktahan." Angal ko.
"Miss, hinay-hinay sa pagsasalita. Wala akong pakialam kung ano o sino ka pero paki respeto naman ang nasa harap mo." Pagpapaalala ni JM.
"Huwag kang sumali sa usapan na wala kang alam!" gigil na sambit ko.
"Ang ganda mo pa naman. Sayang ka, Miss." pahayag nito.
"The hell I care. Akala mo kung sino magsalita. Wala namang binatbat sa aksyon. Tss!" saad ko.
"Enough! Iha, sa ayaw at sa gusto mo sasama ka kay JM or else." may awtoridad nitong pagkakasabi.
"Or else what?" Pang-iinis nito.
"I'll tell Rose Ann about your leave!" sabi nito.
"Tss. Fine. Mauna na po ako sa labas." maktol na sabi ko. Nauna na akong lumabas at mukha namang nagpapaalam na yung JM na iyon sa tiyo niya.
Habang nababa siya ay nakita siya ng isa sa mga babae na nakasama niya sa Casa Margarita. Tinawag nito ang kaniyang pansin.
"Ingrid!" tawag sa kaniya ng babae ngunit hindi niya iyon pinansin at napatuloy sa paglalakad ngunit hinila nito ang kaniyang braso.
"Ang suplada mo talaga. Akala mo siguro magiging reyna ka na sa Casa kaso nailigtas tayo ng mga poging pulis." Panunuya nito.
"Why do I let myself be involve with you? As I know, I don't want to be part of hierarchy that you dreaming of. Back off!" baling ko sa kaniya.
"Aba! nag-iingles ka na day. Hahaha." tawa nito. "Dala siguro yan ng pagkadismaya mo kasi di mo nakuha gusto mo." lintanya niya.
Tinaasan ko lamang siya ng kilay. Nakita ko rin nakatingi na sa amin ang mga tao sa aming paligid.
"Hindi ako papatol sa mga katulad mo. Bahala ka kung anong gusto mong isipin tungkol sa akin eventually I won't mind it." sabi ko at nakita kong nakababa na din pala iyong JM at si tito.
"Ay, andito na pala si Pogi. Hi." Bata ni Maica kay JM.
Tanging ngiti lamang ang iginanti nito kay Maica.
"Pogi, salamat sa pagkakaligtas mo sa min. Gusto mo dun na lang ako sa inyo para makabawi naman ako sa utang na loob ko sayo." She said seductively with a wink.
"A whore will always be a whore." side comment ko sa kanila.
Tumawa naman ang ilan sa sinabi ko.
"Ann!" Pagpapatigil sa akin ni tito.
"What?" pagmamaangan ko.
"Miss kung naiingit ka, gusto mo dun ka sa amin." Saad ng batang pulis na may malagkit na tingin sa akin.
Nawala sa isip ko na halos wala na kong suot dahil sa pagpunit ko sa suot kong dress kanina. At nainis ako sa inakto ng lalaking ito. Pipigilan kong ang sarili kong masuntok siya.
"Ganito po ba sa presinto niyo? Inuuwi na lang ang babae? Show some respect mister. Hindi ako tulad ng babae iyan." pagtuturo ko kay Maica.
"Nic!" tawag sa akin ni Michelle Marie.
"Sorry. Nawalan kasi ng connection. Muntik ng matrace." esplanasyon nito.
"So?" pagtataray ko.
"Nag-aantay lang ng tyempo." habol niya.
"Pero naunahan kayo. Tss. Pasalamat ka mabait ako." sabi ko sa kaniya at niyakap siya.
Hihiwalay na sana ako ng yakap sa kaniya kaso nakita ko ang isang lalaki na bumunot ng baril at akmang magpapaputok sa direksyon namin.
Maagap kong kinuha ang baril sa likuran ng kaibigan ko at tsaka ipinutok sa lalaki babaril sana sa amin. Nakarinig ako ng mga sigaw. At may ilan pang lalaking nagpaputok ng kanilang mga baril na nasa labas ng presinto.
Nagkaroon ng mga palitan ng putok ng mga baril. Hindi ko na inalintana ang aking suot. Ang mahalaga sa akin mapataob ko lahat ng kalaban ko.
At sa huli, nakita kong nakahandusay na ang lahat ng mga lalaking akma kaming papatayin ng kaibigan ko. Labing lima sila pero tanging isa na lamang ang buhay. Pinuntahan ko iyon at tinanong.
"Sino ang target?" Marahas na tanong ko sabay sabunot ko sa buhok nya dahilan para mapaupo siya.
"Sino?!" tanong ko ulit sa kaniya.
"Miss, hayaan muna natin siyang madala sa ospital" sabi ni JM.
"No! Ako mismo ang papatay sa kaniya kundi niya sasabihin sa kin." angal ko.
"Pulis ako kaya kami na ang bahala." sabi niya.
"Pakialam ko. Sundalo naman ako kaya wala na din iyong halos pinagkaiba." bulyaw ko sa kaniya.
Muli kong hinawakan ang buhok ng lalaking nakaupo sa sahig. Itinutok ako ang baril na hawak ko at nagsalita.
"Marami na akong napatay na tulad mong walang kwenta kay madali lang sa akin na paputukin ito sa bao ng ulo mo. Ano? Sino ang target?" gigil na sabi ko.
"Iikkaw Ingrid. Pinapapatay ka ni boss dahil sa ginawa mo." pag-amin ng lalaki habang kita ako sa mga mata nito ang takot.
Sinipa ko siya ng dalawang beses at rinig ko ang pagdaing nito. Tinignan ko ang iba na bakas ang takot sa mukha.
"Mic, ikaw na bahala sa taong ito. Magagamit mo yan para sa assignment mo. Aalis na muna ko." sabi ko sa kaibigan ko.
Akmang aalis nako pero hinila ni JM ang kamay ako at inilagay ang jacket niya sa balikat ko.
"Salamat. Muntik na akong mabaril kanina pero buti nabaril mo iyong lalaki. Sharp shooter ka pala." sabi nito sabay ngiti sa akin.
Kinunot ko ang aking noo. Akala ko kung anong sasabihin, iyon lang pala.
"Iha, sumama ka na muna sa kaniya. I trust this man at alam kong wala iyang gagawing masama sa iyo. Please give me this para mapayapa ako." pagmamakaawa ng tiyo niya.
"Pasalamat kayo mahal ko kayo at di ko kayo matiis, tito. Basta wag niyo itong sasabihin kila mama kundi gyera. Nagmana pa mandin ako dun." pagpayag ko sa suwestyonni tito.
