Inis na inis si Nicole Ann Androza dahil napilitan siyang maging substitute sa tenant ni Michelle Marie na matalik niyang kaibigan. Nakapangako kasi syang tutulong pero hindi sa ganitong paraan. Nagagalit tuloy siya sa sarili niya dahil mataas ang posisyon niya sa militar para lamang gawin ang trabahong ito. Ang tangi na lamang niyang magagawa ay ang ingatan ang sarili,magmanman at ang higit sa lahat ay huwag magpahalata.
Inayusan na ang lahat ng mga bagong dating na babae. Medyo nailang siya dahil ngayon lamang siya nakapagsuot ulit ng maiksing blouse at skirt at ng sang pares ng 3 inch high heels pakararaan ng sampung taon. Talagang mas naging alangan sya dahil narin sa kapal ng make-up na ginawa sa kaniya ni Jennifer.
**********************************************************
"Oh, sir ayan nah. Ang pinakasariwa at pinakamaganda sa lahat." si Jennifer.
"Magaling, magaling, Jennifer. Alam na alam mo talaga ang gusto ko kaya kapag nasiyahan ako, malaki ang bonus mo sa 'kin." si SPO3 Reyes.
"Naku salamat po boss. Ikaw, Ingrid pagbutihan mo dahil kapag sinuwerte ka, instant jackpot ka dito kay boss." tuwang-tuwang sabi ng baklang bugaw.
"KUNG SA KANYA LANG AKO MAPUPUNTA, HINDI NA OY. MAS MAYAMAN PA KAMI DYAN. KUNG DI LANG YAN BOSS DITO DI SA MAGKAKAGANYAN. PAGBUHOL-BUHULIN KO KAYONG LAHAT AT SABAY-SABAY KO KAYONG ILIBING TUTAL MGA AMOY LUPA NA NAMAN KAYO AT DOON KAYO BAGAY." sabi ni Nicole Ann sa isip.
Pagkatapos ay pumasok na sila sa loob ng isang kwarto. Nilapitan siya ng lalaki at tatangkaing yakapin siya ngunit mabilis siyang nakaiwas at sinuntok ito. Tumaob ito at biglang dumilim ang mukha na parang isang halimaw na gusto siyang lapain ng dahan-dahan.
"Palaban ka pala, ha. Kung ang akala mo ay makakawala ka, nagkakamali ka Ingrid! Ano pa bang ayaw mo sa akin? Mayaman at gwapo naman ako." pagmamalaki ng matanda.
"Gusto mong malaman?" tanong ng dalaga at sinagot naman ng isang tango ito ng matanda.
"Syempre simple lang, kasi ubod ka na ng kunat, makapal ang mukha at matanda na. Iyon ang dahilan ko kung bakit ayaw ko sa'yo!" giit ng dalaga.
"Hindi mo ba ako nakikilala? Ako lang naman si SPO3 Richardo Reyes. Ako ang lider nh sindikatong ito kaya sa ayaw at sa gusto mo, akin ka ngayon. Maliwanag?" galit na sabi ng matanda.
"Ito ang maliwanag!" sabay sipa sa mukha ng matanda. Pagkatapos ay binigayn niya rin ito ng suntok sa tagiliran at tyan. Binigayan nya rin ito ng sipa sa likuran dahilan para mapatumba niya ito ng tuluyan.
"Ano nasaan na ang sinasabi mong kakisigan? Wala ka pala! Pulis patola nga naman." bulyaw pa nito.
Bigla-biglang may pumasok na lalaki at pilit na itinayo ang pulis na pinabagsak niya.
"Pa, tayo na! May mga parak baka mahuli pa kayo. Sinabi na kasing tigilan na ninyo ang ganitong trabaho pero di kayo nakinig sa akin." sabi ni Arnold sa ama.
Natigilan na lamang siya ng makilala ang humila sa pulis. Hindi sya pwedeng magkamali. Ito ang talipandas na dating kasintahan ng kaibigan niya. Arnold Reyes the bank manager. Hindi nito sinipot ang kaibigan niya noon sa kasal nila bagaman, tutol na ang ama nito sa kaibigan. At nalaman na lamang niya mula sa kaibigan na noong araw ng kasal dapat nila ay naroon ang lalaki sa condo nito at may katabing babae sa kama.
Mabilis na umalis ang mag-ama. Halos matuwa siya ng hindi man lamang siya namukhaan ng binata. Subalit hindi noon mapapawi ang galit dahil sa ginawa nito sa kaibigan niya. Alam niyang nagsisisi na rin ito at patuloy na sinusuyo ang kaibigan nya.
Noo'y nagbalik sya sa ukirat at sinira ang sleeves ng blouse at skirt at saka lumabas sa kwarto. Madali lamang sa kaniyang magkunyari dahil na rin sa naging theater actress siya noong high school siya. Umarte sya pagkalabas niya sa kwarto hanggang sa makarating na sa presinto.
