Mabilis kaming pumasok sa owner type jeep nya. Itinuro ko ang daan papunta sa condo ko upang makakuha ng damit na maipapalit sa suot ko at iyong mga dadalhin ko din.
Nang makapasok na kami sa unit ko, pinaupo ko muna siya sa sofa sa sala. Binuksan ko na din ang tv at nagdala ng tubig at sa nagpaalam na pupunta muna sa kwarto para makapag-ayos ng damit.
Pumasok nako sa kwarto at binuksan ang closet ko na puno ng over size shirt, pants at kung ano pang damit na parang panlalaki.
"Holy Cannoli! Da fuck. Ano toooo?!" sigaw ko.
Nakita ko namang pumasok na si JM sa kwarto upang icheck kung may nangyari ba.
"Kala ko naman kung ano na nangyari sayo. Ahh." gulat na sabi niya ng makita yng laman ng closet. Sabay tungo.
"Alis!" sigaw ko.
"Girl stuffs lang naman yan. Kung makasigaw kala mo pinalitan na iyong laman ng buong closet mo." maktol nya.
"Oo. Mukha pinalitan na naman ng magaling kong ina. Di na nadala. Sinabi ko ng ayaw ko ng dress at palda. Kulit talaga nun. Hays." saad ko.
"Tibo ka ba?" tanong nito. Binatukan ko nga kaya natawa ako sa reaksyon ng mukha niya.
"Babae ako no! Kahit ganito ako."sabi ko.
"Weh? Patunayan mo nga." pang-iinis nito.
"Oy, di mo ako madadala sa ganyan mo." inis na sabi ko.
"Nga pala san tayo pupunta?" tanong niya sa akin.
"Aba malay ko. Sumama daw ako sayo e." saad ko.
"Isa lang ang alam kong lugar na ligtas kaya lang-" bitin na sabi niya.
"Kaya lang ano?" irita kong tanong
"Dapat magpanggap ka asawa ko. Kasi di ako pwdeng umuwi sa Davao kung wala akong asawa na ipapakilala sa kanila." pag-amin niya.
"Ano?!"
