"The History"

6 0 0
                                    

Prolongue:

The great God of all, create a world for everyone.
Mundo kung saan pantay-pantay lahat ng nilalang.
Walang malakas at walang mahina.
Mundo kung saan malaya mong magagawa ang lahat maliban sa kasamaan.
Mundong puno ng hiwaga at mga kakaibang nilalang na kasamang namumuhay ng mga tao.

Tahimik at masayang namumuhay ang lahat sa mundo nang sa hindi inaasahang pagkakataon, ay isinilang ang isang kakaibang nilalang.
Nilalang na hindi inaasahan ng lahat na mag eexist sa mundong ibabaw.
Isang pangyayaring nagpagulo sa sanlibutan.
At pangyayaring nagdulot ng kasamaan sa mundo.
Nahati ang lahat base sa kanilang mga lahi, lahi ng mga bampira , lahi ng mga lobo, lahi ng mga mortal at lahi ng mga ibang elemento.
Dahil doon, itinago si Leira David Hashstone sa lugar ng mga mortal.

Ang lugar ng mga mortal ay napoprotektahan ng isang makapangyarihang harang, kung saan hindi makakapasok ang sinuman.
Tanging tao lang ang nakakapaglabas pasok sa lugar na iyon.
Ginawa ito upang protektahan ang nag-iisang pag-asa ng mga tao,si Leira.

Chapter 1:

Nagising si Leira sa kalagitnaan ng gabi dahil sa isang kakaibang ingay na naririnig.
Napabalikwas siya ng bangon at napaupo sa kaniyang hinihigaan.
Sumilip siya sa bintana ngunit wala siyang nakikitang problema na maaaring panggalingan ng ingay.

Simula ng magkaisip si Leira ay nakakarinig na ito ng mga tinig.
Minsan maging ang mga usapan sa palasyo o kahit sa labas nito ay naririnig niya.
Lumaki siyang walang alam tungkol sa pagkatao niya.
Ang tanging alam niya ay nag-iisang anak lamang siya ng Hari at Reyna.

Sa mundong kinabibilangan niya, ang Hari at ang Reyna ang may pinakamataas na posisyon sa kanila.
Ang mga ito rin ang nagpapatakbo ng kanilang mundo.
At siya ang nag-iisang prinsesa ng mga mortal na tao.
Kaya ganoon na lamang kung protektahan siya ng mga ito.

Lumabas siya ng kaniyang silid dahil sa pagkabalisa at pumasok sa silid ng mga magulang.

Ama! Ina! May naririnig ako!
Isang ingay, mga hiyaw, mga boses, mga alulong, nakakatakot!
Pahayag nito sa mga magulang.

Nagkatinginan ang mag-asawa dahil maging sila ay nababahala narin.
Naririnig rin ng kanyang ina ang lahat ng kaniyang mga naririnig.
Isang lobo ang kanyang ama, at isang half blood vampire ang kanyang ina.
Ngunit ni minsan ay hindi nila pinaalam kay Leira ang katotohanan.
Tanging sila lang at ang mga huling henerasyon ng mga mortal na tao na nakasaksi sa kaniyang pagsilang ang nakakaalam.
Naging tikom ang bibig ng lahat upang maprotektahan si Leira.

"Anak, guni-guni mo lamang ang lahat ng iyon.
Huwag ka nang matakot, narito kaming lahat upang protektahan ka."
Wika ng kanyang ama.

Mabilis na nabalikwas si Leira sa pagkakayakap sa ina at naglahong parang bula ng marinig ang tinig ng mga kaibigan.
Sa isang iglap, narinig ng ina na kasama na nito ang mga mortal niyang kaibigan.
Muling nagkatinginan ang mag-asawa at sabay na napatiim-bagang.

"Unti-unti nang lumalabas ang mga kakaiba niyang kakayahan, Narico.
At unti-unti na rin siyang nararamdaman ng mga nilalang na takot sa kanya at mas nais siyang paslangin."

"Mellisa hindi mapipigilan ang paglaki ng ating anak, maging ang paglabas ng mga kakayanang iyon.
Darating at darating tayo sa panahon kung kailan kailangan nating harapin ang kakaibang nilalang na nagmula sa atin."

Yumuko si mellisa na tila nadismaya.

"Narico, kinatatakutan mo rin ba si Leira?
Tulad ng mga kalahi mo at ng mga lahing gumawa nito sa amin?
Bakit kung ituring mo siyang nilalang ay tila hindi siya nagmula sa atin?"

"Nagkakamali ka Mellisa, anak ko si Leira at hindi ko dapat siya katakutan, hindi siya halimaw bagkus ay biyaya mula sa taas.
Poprotektahan natin siya kahit anong mangyari.
Hindi siya maaaring mapunta sa kamay ng mga ganid sa kapangyarihan."

"NEW BLOOD"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon