"The lost memory"

1 0 0
                                    

LIERA'S POV.

Nagising ako sa pakiramdam na tila may nakamasid sa akin mula sa malayo.
Sumasakit ang aking sintido na animo'y dumaan sa matinding pag-iisip.
Hinagilap ko sa aking isipan kung anong nangyari, ngunit sa kasamaang palad ay wala akong maalala.
Hindi ko rin maalala kung nasaan at sino ako.

Nakarinig ako ng mga tinig at yapag na siyang kinagulat ko.
Wala naman akong nakikitang tao sa paligid ko ngunit may naririnig akong mga tinig at yabag.
Nagulimihan ako, tila may kakaiba sa akin na hindi ko malaman kung ano.
Palakas ng palakas ang tinig at yabag na aking naririnig hanggang sa bumukas ang malaking saraduha sa aking kinaroroonan.

"Sino kayo?
At bakit kayo naririto?
Ang ibig kong sabihin. . ."
Huminto ako sa aking sasabihin nang mapatingin ako sa lalaking kasama ng aking kinakausap.

Mapupula ang mga labi nito.
Matitingkad na kulay ng mata.
Mataas ito ang ilong nito, at may mapuputing ngipin.
Kulay abo ang buhok na bumagay sa kanyang balat.

"Aking reyna bakit tila may gumugulo sa iyong isipan?"
Tanong nito sa akin.

Naglakad ito papalapit  sa akin at kinabig ako sa baywang dahilan upang maglapat ang aming mga katawan.
Maliit na lamang ang distansiya ng aming mukha kaya naman nagawa niya ang nais niyang gawin ng mga oras na iyon.
Naglapat ang aming mga labi.
Dahan-dahan nitong sinuyo ang  nakaawang kong labi at pangahas na pinasok ang loob nito.
Nakaramdam ako ng bolta-boltaheng kuryente sa gumapang sa buo kong katawan.

"Iyong Reyna?
Sino ba ako?"
Tanong ko ng maghiwalay ang aming mga labi.

Napangisi ito sa akin at tila nasisiyahan sa kablankuhan ng aking isip.

"Sino ka? Ikaw ang aking Reyna, ang aking mapapangasawa.
Ang magiging ina ng ating mga anak."
Masuyo nitong tugon sa akin.

Tila may kung anong nag-udyok sa akin na paniwalaan ang kanyang mga sinabi.
Muli ay naglapat ang aming mga labi na may dalang pangungulila sa isa't-isa.
Ang pakiramdam na gusto kong ulit-ulitin.
Muli namang ngumisi ang lalaking nangahas sa aking mga labi.

"Kay bilis mong matuto aking reyna, halika't ipakikilala kita sa ating nasasakupan."
Panunuya nito sa akin kasabay ng pag-akbay ng kanyang braso sa balikat ko.

Nang marating namin ang bulwagan ay bumungad sa akin ang mga lalaking nakahubad ang pang itaas at tanging pambaba lamang ang suot.
Nagpalit ito ng anyo at naging isang taong hayop.
Ang natirang mga lalaki't mga babae ay naglabas ng mga pangil at naging kulay dugo ang mga mata.
Nakaramdam ako ng takot at naghumalipkip sa likod ng nagpakilala bilang aking mapapangasawa.

"Huwag kang matakot aking Reyna, sila ay iyong mga kalahi. Nanalaytay sa iyo ang dugo ng mga lobo at bampira."
Panunuyo nito sa takot kong pigura.

"Mahal na Reyna!"
Sigaw lahat kasabay ng isang pagbibigay pugay.

"Lobo at bampira?"
Namamangha kong tanong.

"Oo, Leira at ito ang ating kaharian.
At naging tahanan sa matagal na panahon."
Tugon naman nito.

Tumingin ako sa kaniyang mga mata at nagtanong na gamit lamang ang aking isip..
Hindi ko inaasahang maririnig niya at mababasa ang laman ng aking isipan.

"Ah, oo nga pala, you forgot already.
Im sonny, The king of loccans."

Napatungo na lamang ako bilang sagot, dahil sa totoo lang hindi ko talaga siya maalala.
Tumalikod ako at mabilisang tinungo ang aking silid.
Hinarap ko ang salamin upang sipatin ang aking kaanyuan.

Kulay abo ang tila mahiwagang mata na aking taglay, mapupulang labi, at matatangos na ilong.
Kulay ginto ang mahahaba at kulot kong buhok,mahahabang kuko na napapalamutian ng kulay pilak at ginto na mga palamuti.
At mga pangil na biglang na lamang sumulpot sa ilalim ng aking mga bibig.
May simbolo sa aking noo at may singsing na tila puno ng hiwaga katulad ng aking mga mata.

Napabalikwas ako ng makaramdam ng isang pares nang mata na nakatingin mula sa malayo.
Hinanap ko ito sa paligid, ngunit wala naman akong nakita.
Naisip kong isawalang bahala ito sapagkat ito'y tila isang guni-guni lamang.

"Bakit ika'y tila balisa aking reyna.
Hindi kaba natutuwa sa presensiya ng iyong mga bantay?"
Tanong ng isang tinig.

"Marahil ay hindi lamang ako sanay nang ganito, maaari bang mapag-isa muna ako sa aking silid?
Kung ito'y mamarapatin mo, Sonny."
Tugon ko naman dito.

"Ofcourse, Leira.
Ipatawag mo lang ang mga bantay sa labas kapag may nais ka."

"Maraming salama Sonny."

Tumalikod na ito sa huli kong tugon sa kanya.
Pilit ko paring iniisip kung sino nga ba si Sonny sa aking buhay.
Bakit tila may pakiramdam ako na wala kaming kaugnayan sa isa't-isa.
Muli akong nakaramdam ng mga mata na malapit lamang sa akin, kaya isinantabi ko na ang mga isipin ko tungkol sa kabiyak.

"Sino ka?
Ano ang iyong nais?
Bakit tila kanina pa nakamasid ang iyong mga mata sa akin?"

Walang sumagot sa aking katanungan, bagkus isang uwak ang mabilis na tumungo sa akin.
Mabuti na lamang at may taglay akong bilis.
Dumeretso ito palabas sa bintana kung saan siya pumasok.
Tinungo ko ito saka ko lamang napagtanto na luma na ang palasyong ito.
Hindi ko malaman kung bakit tila kay dilim sa paligid nito.
Nakakakilabot pagmasdan kung iyong titingnan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

"NEW BLOOD"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon