chapter 2: Bloody moon

2 0 0
                                    

Dumating ang araw ng kaarawan ni Leira, ang gabi na hinihintay ng lahat.
Gabi na babago sa lahat.
Gabi kung saan makikilala ang bagong Leira.
Ang gabi na hindi inaasahan ng lahat.

Naging abala ang lahat para paghandaan ang pagtitipong darating.
Wala silang kamalay-malay sa panganib na naghihintay kay Leira.
Panganib na magdudulot ng kaguluhan sa mundo.

Handa na ang pagtitipon.
Nasa palasyo na ang lahat ng mortal, mga kakamping bampira at lobo, at maging ang mga diyosa.
Hinihintay na lamang ang pagdating ng eclipse.
Mula sa malayo ay nag-aabang ang panganib.
Naghihintay ng tamang pagkakataon para umatake.

Sumilip ang buwan sa langit, at unti-unting dumilim.
Dumating na ang oras na hinihintay ng lahat.
Nag-umpisa na ang eclipse at ang lahat ay nakatunghay at nag-aabang.
Nasaksihan ng karamihan ang napakagandang pagsasama ng araw at buwan.
Maging si Leira at ang mga kaibigan ay namangha.

Dumilim ang paligid at tanging ang mga tala lamang ang nagbibigay liwanag sa mundo.
Naging pagkakataon ito ng mga kalaban para umatake ng palihim.
Ang tahimik na gabi ay napalitan ng ingay na puno ng pangamba, takot at sari-saring reaksiyon.
Si Leira, ay naging si Leira parin.

"Akala ko ba?
Pagsapit ng kadiliman, liliwanag sa paligid bilang tanda ng pagiging ganap ng ating mga pagkatao?"
Wika ni rebecca sa mga kaibigan.

"Hindi tayo dapat naniniwala sa mga ganito.
Isa lang tayong mga normal na tao tulad ng iba.
Baka guni-guni lang natin ang mga taglay nating kakayahan dahil nadala tayo ng kamanghaan."
Tugon naman ni Leira dito.

"Nagkakamali kayo,Tingnan niyo!"
Sabay namang turan ng dalawang lalaki.

May tila liwanag na lumabas mula sa loob ng palasyo.
Palaki ito ng palaki habang papalapit sa buwan.
At ito nga ang nagsilbing liwanag sa mundo.
Liwanag na sa umpisa ay nakakasilaw.
Habang paunti-unting nasasanay ang mga mata ng lahat sa liwanag, ay siya namang paglabas ng katauhan ni Iori.
Ang itinakdang mortal na lalaban kasama si Leira.

Ang mga kasuotan nito ay napalitan ng puting roba.
Nagkaroon ng pangyapak na kulay ginto,singsing na ginto na may pulang diyamante sa gitna.
At tila koronang ginto na may hugis na halfmoon sa gitna.
Pumatong ito sa kanyang ulo na tila sinukat ng tama sa kaniya.
Tumuon sa kanyang noo ang simbolo ng halfmoon.
Dumoble ang laki at taas niya ng tatlong beses sa normal na laki ng isang tao.

"Ang simbolong nasa noo niya. . .
Ay tulad ng sa mga diyosa, at ang simbolong ito ang nagpapakilala sa bathalang si Loki.
Ito ay simbolo ng isang bathala ng buwan!
Isang bagong bathala!"
Turan ng lolo ni Leira sabay luhod upang magbigay pugay sa bagong bathala.

Kasunod noon ay ang pagbibigay pugay ng lahat sa bathala maliban sa mga diyosa at mga itinakda.
Habang nakatunghay ang lahat, lumabas ang nakakasilaw na liwanag sa mga mata nito kasabay ng pagliwanag ng apat na itinakda at ni Leira.

Unang umangat paitaas patungo sa buwan si Rebecca.
Nagkaroon ito ng kulay pilak na buntot,hikaw na perlas, kwintas na kabibe, isang kalasag at sandata, at ang pilak na korona na may simbolo ng isang sirena.

"Ang bagong reyna ng karagatan! Magbigay pugay!"
Wika ni Iori na puno ng awtoridad.

Ang maliit na bahagi ng buwan ay nagkulay pula dahil sa paglabas ng reyna at mandirigma ng karagatan.
Sumunod na umangat pataas si Abby.
Napalitan ang pangyapak nito ng panyapak na gawa sa kalikasan, napalitan ang kanyang kasuotan ng bestidang puti na hanggang tuhod, nagkaroon ng mga palamuti sa kamay,paa, leeg at tainga na gawa sa mga espesyal na bulaklak.
Tinubuan ng pilak na pakpak sa likod, at pilak na koronang may simbolo ng kalikasan.

"Ang bangong reyna ng mga diwata at ang healer!
Muling magbigay pugay!"
Muling turan ni Iori na tila hindi siya ang nagsasalita.

Sumunod naman ang lahat sa bagong diwata.
Nadagdagan ng pagiging pula ng buwan na halos kalahati na ang inabot.
Sabay namang umangat pataas ang mga lalaking itinakda.
Nagpalit ng anyo si angelo bilang isang lobo,naging kulay pilak ang mga kuko nito sa paa at kamay,maging ang kanyang mga pangil at ngipin.
Kulay abo ang mga mata nito na nalalapit sa kulay ng pilak.
At may koronang pilak na may simbolo ng isang lobo.
Ang kulay ng balahibo nito ay pinaghalong puti at itim.

"NEW BLOOD"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon